"Taba taba may dalang timba."Sa sobrang inis ko. Sinuntok ko ang batang lalaki sa buong paglakas ko.
"Huwag mong sabihing lalaki ka! Kayang kaya kita." Sigaw ko sa lalaking hawak na ang kanang mata nya.
Rinig ko ang pagpigil ng mga kalaro ko saken.
"Yabang mo taba!" Tumakbo ang lalaki at umalis.
"Ayan! Ganyan! Bago kapalang dito yabang mona." Sigaw ko sa lalaking palayo.
Ayan ang napapala ng mayayabang!
"Yumila lagot ka! Nakikipagkaibigan lang yung bata. Bagong lipat lang sila sa subdivision natin ah. Baka isumbong ka niya." Sabi ni macy, kapitbahay/kalaro ko.
"Wala akong pakealam. Ayoko sa mayayabang." Wala akong pakealam sakanya. Edi magsumbong sya.
"Nakoo. Lala! Tsk. Mukhang nasaktan yung bata. Lakas ng pwersa mo." Bumaling ako kay jameson. Kalaro ko din.
"Hay nako.. Mabuti pa ituloy nanatin to. Ako taya! Dali bilang nako." Sigaw ko at kanya kanya na silang tumakbo para magtago.
"Yumila! May nagreport sa akin. May sinuntok ka daw ang bata? Bagong lipat lang sila dito nako." Kumakain kami ngayon. Sarap ng ulam mukhang makakarami nanaman ako.
"Yumila! Kanino ka natutong manuntok? You're just eight years old." Hindi ko pinansin si kuya. Sarap ng chicken.
"Yumila, we're talking to you." Binalingan ko si papa
"Look, hindi naman ako magsisimula ng hindi nya ako inasar. Nakakainis ang yabang nung bata!" Hirit ko. Kainis panira talaga yun.
"Magpa sorry ka bukas ah. Alam ko hindi naman sila magtatagal at lilipat din sila." Yes!!!! Buti nalang. Tumango nalang ako.
"Sorry ah." Kahit na napilitan ako, humingi parin ako ng sorry. Katabi ko si mama.
"Pasensya kana Cecil sa ginawa netong anak ko." Sabi naman ni mama.
"Hay nako wala yun! Alam mo naman ang mga bata." Ngumiti sakin ang mama ni bata. Mukhang mabait.
"Hindi kanaman sincere." -bata
"Bagay molang yan," Bulong ko na agad naman na kinurot ako ni Mama.
"Mama!." Inda ko. Nagpasorry na nga ako eh.
"Ang mabuti pa ay iwan nalang namin kayong dalawa at nang magkausap kayo" Sabi ni Mama sabay hila kay tita papasok sa bahay.
"Ayusin mo" Kinurot ako ni Mama. At tuluyan nang nawala sa paningin ko.
Tinignan ko ng masama itong bata nasa harap ko.
"Ano?" Aniya na parang natatawa. Pinagmasdan ko ang mukha nya. May konting itim ang kanang mata nya.
Well, nararapat lang sakanya yan.
"Bagay lang sayo yan! Mayabang ka kasi." Kinurot ko ang sarili ko para pigilan ako sa pagtawa
"Tss pikon ka pala taba eh." Tumawa sya. Parang may pinitik sa loob ko. Naginit agad ang ulo ko. Ayoko talaga na tinatawag ako na mataba
"Anong sinabi mo?! Gusto mong masuntok ka ule?" Umamba ako na manuntok.
"Taba!! Taba!! Taba!! Habulin moko taba!!." Nagsimula syang tumakbo. Sa inis ko, hinabol ko sya.
Sa sobra atang pagmamadali ko. Natapilok ako at na out of balance. Nakipag halikan ako sa sahig.
"Aray...." Inda ko. Ang sakit ng katawan ko.
"Taba!" Rinig kong sabi ni bata. Agad syang lumapit sakin at tinulungan ako.
Umupo ako sa sahig. Nang nakita ko ang sugat sa tuhod ko ay umiyak ako.
"Aray! Huhuhu. Mama!!" Iyak ko. Ayoko ng dugo.
"Nako taba! Hindi kalang pikon! Iyakin ka din." tumayo sya at may kinuhang panyo mula sa kanyang bulsa. Itinali nya ito sa tuhod ko.
"Ayan, titigil nayan sa pagdugo." tumahan ako ng nakitang tumigil nga ito sa pagdugo. Tinitigan ko si bata na abala sa pagpupunas sa tuhod at braso ko.
Ang gwapo ni bata..
"Oh wag kanang umiyak ah." Ngumiti sya at pinunasan ang luha ko sa pisngi gamit ang kanyang kamay.
"Salamat." Mahina kong sambit.
"Abaa. Marunong ka palang magpasalamat ah." Natatawang sabi ni bata. "Tumayo kana dyan." Nilahad nya ang kamay nya. Tinggapa konaman para tumayo. "Bigat mo.." bulong nya
"Ano yon?" Nanliit ang mata ko.
Bago pasya makapag salita ay nakita ko si tita cecil na nagmamadaling umalis sa bahay namin.
"Anak ryde tara na." Hinila nya si bata paalis.
Pinagmasdan ko si bata na hila hila ng kanyang nanay palayo sa akin.
Kumirot ang puso ko ng lingunin nya ako. Ang mata nya ay para bang nagpapahiwatig ng pamamaalam.
Hangga sa muli, bata..