1

8 1 0
                                    


"Psssst. Pepper"

Pinaikot ko ang mata ko. Mga bwisit sila kilala kalang nila pag may kailangan eh.

"Pssst. Pepper, pengeng paper"

Again, pinaikot ko muli ang mata ko. Nag focus nalang sa teacher sa harap. Yep we are having a quiz right now. These stupids are my classmates they're calling me right now, and probably nanghihingi nanaman ng yellow paper.

"Number two. What is the power cell of the cell."

Agad kong sinulat ang sagot ko

"TABA!"

Parang may thunder na dumaan sa pagkatao ko at agad nagpunat ng papel. Sa sobrang inis ko binalibag ko ito sakanila. Oo madami sila.

"Ms. Cueva please remain standing."

Padabog akong tumayo at tinumpak ang papel sa aking palad. Ang isa kong kamay ay sinilbi kong panulat.

Narinig ko ang hagikgikan nila. Nilingon ko sila at binigyan ng matalim na tingin. Mga deputa kayo! Sigaw ng aking isip Lalo pa silang natawa sa reaksyon ko

"As what i told to you. You aren't allowed to take the exam once you don't have a yellow paper. And bawal din kayong mamigay" bumaling saakin si sir "So miss cueva face the consequences"

Tumango ako at namahimik nalang. Oo, bawal mamigaw ng papel. Pero parang na t-triggered ako kapag may tumatawag saakin na taba. Though sanay na ako pero ayoko parin. Nasasaktan ako.

Natapos ang quiz nang matiwasay. "Please pass your paper infront and pass it side wards. One.. two.." mabilis na nagbilang si sir

Eto ako ngayon, nakatayo at hinihintay ang mga kaklase kong mapasa ang kanilang papel. Naka pwesto ako sa harap at nasa likod ko ang mga ulol.

Nang nasa 2nd row na ang mga papel (kung nasaan ang mga ulol) ay winagayway nya ang mga papel saakin. Pinaikot ko muli ang aking mata at kinuha ito.

Pinatong ko ang aking kamay sa back rest ng aking arm chair at buong lakas na kinuha ang papel na nakalahad. Ngunit sa kasaamang palad, mga demonyo sila. Hinawi nya ang papel dahilan para hindi ko ito makuha ngunit sa pwersa ko nahulog ako at ang resulta...

"HAHAHHAHAHAHHAHAHAHAHAHA"

Sabay sabay na nagtawanan ang mga kaklase ko sa pagkahulog ko. At oo, nasira pa itong upuan ko. Bali ang likod.

Marahan akong tumayo at pinagpag ang braso, bahagya itong nasugatan dahil sa pako.

Yes, this isn't the first time na nakasira ako ng upuan. Mga puta sila!

"Class! Stop it!" saway ni Sir. Binaba ko nalang ang ulo ko at pinikit ang mata. Ang saya talaga ng buhay ko. Lumapit si Sir at sya nalang kumuha ng mga papel.

"This is my last warning to you yulo and company." nanahimik sila at iniabot ko ang papel ko. Hindi konalang sila pinansin.

"Okay class, mag l-lecture nalang tayo for today para dire diretso ang discussion tomorrow."

Yumuko ako dahilan para matamaan ko ang kaklase ko.

"Ano bayan! Pepper!"

Humingi nalang ako ng tawad at kinuha ang notebook para simulan ang pagsusulat.

Nasa kalagitnaan na ng pagsusulat nang may sumigaw

"ANOBAYAN ANG LAKI NG HARANG SA HARAP! HINDI NAMIN MAKITA!"

"HAHAHAHHAHAHAHAHAHHA"

binalewala ko iyon at huminga ng malalim.

"Class! Sobra na ang pangbubuyo nyo kay Yumi! I will not tolerate it anymore. All of you will be deducted 5points on your total score from the quiz!!" sigaw ni Sie coco nang kinatahimik ng lahat.

"Yumi please pumunta ka muna sa likod at ipapakuha nalang kita ng chair mo" narnig kong may inutos sya na kaklase ko para kuhanan ako ng upuan. Tumango ako at pumunta sa likod, kung nasaan ang mga kaibigan ko

Tinignan nila ako na para bang kinakawaan nila. Nginitian ko sila. I don't need your pity.

Bakit ba lagi nalang ako ang napag t-tripan nila? Kasalanan kobang mataba ako? Bakit? Inaano koba sila? Ginusto koba ito?

"Class dismiss" sabi ni Sir Coco, sign nayun at mabilis na pinasok ang mga gamit ko at pinulot ang bag.

"Yumi! Sabay na tayong umuwi!" sabi ni Grethel, kaibigan ko. Umiling nalang ako

"Salamat! Hindi na." umalis ako ngunit sa kasamaang palad. Nasa pintuan sina yulo at mukhang may hinihintay.

Hindi ko sila pinansin at dire diretsong naglakad palabas. Ngunit kamag anak ata nila ang demonyo at pinatid ako ni karlos, isa sa kaibigan ni yulo.

Narinig ko ang tawanan nila. Dahil matimbang ako, rinig na rinig mo ang kalabog sa sahig para bang mawawasak ang building nato. Nagtinginan na din ang mga estudyante saakin.

"Ano ba!" Narinig kong sabi ni Jericho, sa barkada nila sya lang ata ang mabait o naawa lang sakin?

Agad syang pumunta sakin para tulungan akong tumayo. Hinawi konalang ang kamay nya at sinubukang tumayo mag isa. Again, I don't need their pity. Ramdam ko kirot sa tuhod ko sa pagtayo ko.

"Yumi..." Naramdaman ko si Grethel at Sophie sa likod ko.

Tinignan ko ng masama sina Karos, Jordan, Yulo at si Jericho. Damay na sya.

"Mga puta talaga kayo! Mga walang magawa sa buhay!" buong pwersa kong tinulak si yulo at nahulog lahat sila. Tinignan kolang sila ng masama at mabilis na naglakad. Agad naman sumunod sina grethel saakin

"Omg iba talaga si Pepper. Lakas ng impact at napatumba sina Yulo" narinig kong hagikhigak nila

Hindi konalang pinansin at bumaba nasa hagdan. Nakasalubong ko ang ilang estudyante na nakatingin sakin.

"Naramdaman nyo?"

"Ang alin?"

"Lumindol ata kanina eh"

Binalewala ko sila at lumabas sa building

Narinig ko ang tawag nina Sophie sa pangalan ko ngunit hindi ko nalang sila pinansin at tuloy tuloy sa pagkalakad palabas ng gate.

Lumakad ako ng mabalis. Walking distance lang naman ang bahay namin mula sa school kaya lalakarin konalang.

Oo ganito ang ginagawa ko kapag masama ang loob ko. Naglalakad ako para bang doon kona bumubuhos ang frustration ko sa buong araw.

Naglakad ako ng mabilis, para bang namanhid na ang mga paa ko at mabalis na nakarating sa bahay. Agad akong nag doorbell. Sa sobrang inis ko pinindot ko iyon ng paulit ulit.

Lumabas si mamay, ang aming katulong. Natataranta pa habang pagbuksan ako netong aming gate.

Hindi ko sya pinansin, sorry mamay. Pumasok na sa loob. Wala pa sina Mama, agad akong umakyat sa taas at pumunta sa kwarto ko.

Padabog ko itong sinarado. Dumikit ako sa pintuan ko at umiyak ng umiyak.

Kasalanan ko ba na ganito ako? Na mataba ako? Sino ba sila para pagsalitahan ako!.

Patuloy ako sa pagiyak at tumayo para tignan ang sarili sa salamin.

Tinignan ko ang katawan ko, ang unifrom na mistulang longganisa sa sobrang fit. Ang mga brasong parang punching bag ni Paquio.

Agad kong sinuntok ang mga bilbil ko at taba ko. Umiyak ako ng umiyak.

"AHHHHHHHHHH" Tumigil ako sa pananakit sa sarili at lumuhod. Nanghihina ako. Ayokona.

Hindi kona kayang mabuhay sa panunukso nila dahil lang sa mataba ako.

-
A/N: Will update when this chap got 10 votes :))

Please love this story. Thank you💜

My XL beautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon