2
Tinignan ko ang tuhod kong nangingitim. Siguro sa pagpapatid ni karlos saakin.
Umiling ako at kumuha ng bethadine at alcohol bulak narin para gamutin ang sugat ko sa braso na nakuha konaman sa arm chair.
Wala ganito na talaga ang kapalaran ko. Mataba. Talunan. Panget. At kung ano ano pa.
Matapos kong gamutin ang sugat ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko para mag search sa google
"How to lose weight"
"Tips on how to lose weight"
"An easier way to lose weight without doing exercise"Nagbasa basa ako sa mga nakalap ko ng impormasyon.
"Yumi kain na!" kumatok si mamay.
"Ayoko po!" Sigaw ko. Instant na yun at umalis sya. Hindi nalang ako kakain ngayong gabi
Tinignan ko ang relo sa aking cellphone at nakitang 6:30pm na pala.
Snacks muna ako. Kinuha ko at dorittos sa basket dito sa aking kwarto. Oo may mini ref pa ako dito.
Binuksan ko ito. At nagsimulang iplay ang video sa youtube. Mga cardio exercises, napalunok ako at tinignan ang comments kung effective ba ito. Hmmm okay. Agad ko itong dinonlowd
Hindi ko namalayan na umabot ako ng dalawang oras kaka search sa mga papampayat na gawain. Gutom na ako at nag decide na kumain.
Bumaba ako at nakita ko si mama na nag sselpon at si papa na nagbabasa ng dyaryo. Agad akong nagmano sakanila.
"Oh nak kain kana" si papa, tumango ako. Pumunta nalang sa kitchen at nakita si ate na nagluluto ng french fries. Si kuya na nakaupo at halatang naghihintay sa niluluto ni ate.
"Oh yumi kain na. Nasa ref yung ulam mo" dinig kong sabi ni ate, tumango ako at kinuha ang ulam.
Buttered chicken. Binigay ko kay ate iyon para ipainit ulit. Agad akong kumuha ng pinggan at nagtalak ng kanin.
Umupo ako sa upuan at nakita ko si kuya na nakatingin aa braso ko.
"Napano ka?" Tanong nya. Umiling ako. Hindi ako sumbungero.
Si kuya ang nakakatanda sa amin. Sumunod si ate at ako ang bunso.
Unlike me, payat sila. Oo ako lang ata ang pinagpala at malusog ako. Si mama sexy, hindi halata na tatlo ang niluwa. Si papa naman ay sakto lang.
Si ate ay sexy ngunit wala syang dibdib. Kaming matataba ata ay instant na malake ang dede dahil sa taba.
Si kuya naman ay nag g-gym kaya sexy din at macho pa.
Ako lang ang mataba. Nakaka inggit sila.
Nilapag ni ate ang ulam ko. Kasabay ng french fries na may mozarella cheese. Nagsimula akong kumain.
"Binubully kaba nila ha?" Tanong ni ate. Agad syang umupo sa tabi ko. Pinag gigitnaan ako nina kuya. Umiling muli ako.
Ayokong magsalita. Naintindihan siguro nila at hindi na muli silang nagtanong.
Naubos kona ang kanin ko at dahil sa gutom ko. Kumuha pa ako ng kanin. Nagsimula ding kumain.
Tumayo si ate. Busog na ata "Kainin nyo na iyan" turo ni ate sa fries
Oo ate ako uubos nyan hindi mo man sabihin.
Dahil sobrang sarap ng ulam. Tumayo ako at kumuha muli ng rice. Dalawang takal na ang kinuha ko para hindi na balik balik
"Yumi hinay hinay. Gabi na" paalala ni kuya. Pinaikot ko ang mata ko at binawas ng one fourth ang kanin ko.
"Masarap eh." Ngumisi ako sakanya. Umiling nalang sya at inabala ang sarili sa cellphone.