♠12♠

257 11 1
                                    


A normal day. Where everything that happens is expected.

'You know what, male best friend ko pa rin naman si Alfonso eh. Pwede ko pang ituloy yung plano kong tanungin kung pwede akong magpanggap na crush ko sya.' Sabi ko sa sarili ko. Pero baka gawin ko yun some other time.

Mayroong mannerism si Joseph na tumititig sya sa taong aasarin nya. Ganun sya mang-trip eh.

So nahawa ako sa mannerism nyang yun kaya I decided na pagti-tripan namin si Alfonso. So dalawa kaming tumitig sakanya(Alfonso) ng matagal with our resting face on.

Knowing Joseph and Alfonso, isa na yata sila sa mga mag best friends na sinasabihan ng 'Friendship goals' kasi pati amoy ng isa't isa alam nila eh.

Kilalang-kilala ni Alfonso si Joseph kaya alam kung anong mag-papatawa sakanya. So tumingin pabalik saamin si Alfonso with his resting face on too. Kaya tumawa ng malakas si Joseph.

So nang-trip na kami as a trio. Tawag nga nila sakin 'one of the boys' eh. Yung mga haters ko naman akala malandi ako.

lahat ng mga kaklase namin pinag-tripan na namin. Madaming wa-epek, meron din namang nang-aasar din pabalik.

Ti-nry naming asarin si Annie, we all know na nagbago na sya kaya ine-expect namin na hindi nya kami isusumbong kay Ms. Sanvictores since na kami ang nagsisimula ng ingay sa classroom.

Kaya tinitigan namin sya. "Aww! Ang cute nyong tignan!" Sabi ni Annie. Guess what kung anong sunod na nangyari, namula ako ng sobra-sobra.

Titinitigan ako ni Alfonso na parang nakakita sya ng multo. "May kinikilig ata dito." Sabi ni Joseph. "Shh. Ano ka ba." Sabi ko naman.

Bakit ganon? Sa tuwing may nagsasabi sakin na 'malaki daw ang pagasa ko sa taong gusto ko', lalo akong umaasa. Pero ayoko ng masaktan pa.

Seatmate Inlove ♥Where stories live. Discover now