★19★

146 5 16
                                    

*Monday → Resume of classes*

Nakarating ako sa classroom at sinalubong ng isang nakasimangot na Alfonso sa kanyang upuan.

"O, umagang-umaga nakasimangot ka?! Dude, anong problema?" Sabi ko habang umuupo.

"Iniwan ako ni Yana sa movie date namin," matamlay nyang sagot.

"Ah, oo alam ko yun. Nandun ako nung nangyari yun eh."

"So.. Inaamin mo naman pala eh," biglang tumaas ang boses ni Alfonso.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" I spoke out of confusion.

Hinila ako ni Alfonso papalapit sa kanya, "Ano ba Fonzel? Sabi ni Yana kinausap mo daw sya na tigilan nya ako kundi magkakalat ka ng masamang storya tunkol sakanya na hindi naman totoo!" Bulong nya.

"What the hell!? Alam mo naman na di ko kayang gawin yan diba?!" Gulat ko.

"Alam mo, gusto kitang paniwalaan eh. Pero alam mo rin ba yung feeling na maiwanan kang nag-iisa ng taong mahal mo?"

"Alfonso, wala akong sinabing ganon kay Yana! Oo nandon ako nung nangyari yun, pero wala ako kinalaman dun! Ni-hindi ko na nga kayo nilapitan para hindi masira yung moment nyo eh—"

"So gusto mo pang magpasalamat ako sayo!?" He whispered-yell.

"Alfonso naman–" naputol ang page-explain ko nang dumating si Ms. Sanvictores at binati ang klase.

≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈

Natapos ang isang period ng hindi kami naguusap ni Alfonso.
Ang isang period ay naging dalawa
Tatlo
Apat
Lima
Anim
Pito
Walo.

Natapos nalang ang buong araw nang hindi kami naguusap.

Hindi ako sanay sa ganito.

Hindi ko akalain na kayang gawin 'to ni Alfonso para lang kay Yana. Kaya nyang sirain ang pagkakaibigan namin para lang sa isang babae.
Lahat ng memories kaya nyang bitawan para sa relasyon nila.

≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈
*Tuesday *

I walked in the room with confidence to face Alfonso and slap him with the truth.

And there he is, sitting alone sa grupo ng mga upuan na pagmamay-ari namin nina Maria, Joseph at Ella.
Lumapit ako at nilagay ang bag ko sa aking upuan.

I stood in front of him, catching his attention. "Wake up Alfonso! You're wasting your life! Dahil lang sa isang babae nagkaka-ganyan ka na!" Sigaw ko sakanya.
Knowing my classmates, alam ko naman na hindi nila kami papansinin dahil may sarili silang mga mundo. Sina Ana, Lian at Sia naman ay magtatanong nalang mamaya for sure.

"Yan ba talaga sa tingin mo ang dahilan kung bakit nagkaka-ganito ako? Nagkaka-ganito kasi hindi ko akalain na kaya mong sirain yung kaligayahan ko! Fonzel, kaibigan kita, I trusted you—"

"Alfonso sandali lang tayo naging magkaibigan, pero alam ko na alam mo sa sarili mo na hindi ko magagawa yang binibintang mo sakin." Pagputol ko sakanya.

"Fine!" Sigaw sakin ni Alfonso.

Wow. Totoo ba talaga itong mga nangyayari ngayon? Hindi ito ang kilala kong Alfonso.

Alfonso, I need you back.

Seatmate Inlove ♥Where stories live. Discover now