♣21♣

80 4 15
                                    

Mukhang hindi naging sapat ang break time saming apat nina Sia, Lian at Ana para mag-plano kung paano namin ibubuking si Yana kay Alfonso. You know, para naman hindi nya na ako sisihin sa mga pangyayari sa kanila ni Yana, na wala naman akong kaalam-alam.

Which leads us to the unplanned sleepover sa bahay ko.
Yep, para lang sa pangre-resbak. Ganyan kalupit ang squad ko.

Syempre sinamahan kong mag-paalam isa-isa ang mga kaibigan ko. Reassuring their parents na safe sila samin.

Sa aking kwarto namin napag-isip isipan nina Lian mag-stay. Para hindi marinig ng magulang ko ang aming mga plano.

Isipin mo naman kung marinig mo yung anak mong nakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan tungkol sa paghihiganti or anything like that, hindi ka ba magtataka.

"So guys, tapos na tayong mag-set up ng mga higaan. Back to business na tayo." Sabi ni Lian.

"Oo nga, hindi naman pag-aayos ng gamit ni Fonzel ang pinunta natin dito eh." Dagdag ni Sia.

Tumingin sakin ng masama ang tatlo. Nagpapakita ng disappointment sa kanilang mga mukha. "Aba, sorry na. Malay ko ba na makikitulog kayo. Hindi tuloy ako nakapag-ayos ng kwarto ko." I tried to sound innocent.

"Oh hayaan mo na—bilis lapit na. Simulan na natin ang 'Oplan Resbak' natin sa paninira sayo ni Yana kay Alfonso." Pag-change topic ni Ana.

"Ano ba kasing plano nyo?" Tanong ni Sia, habang pume-pwesto kaming apat. Forming a circle in the middle of the room.

After being comfortable on our spots, nagsimula ng magsalita si Ana. "So, on our way here sa bahay niyo," said Ana, pointing towards me. "napag-usapan na namin ito ni Lian. Ang suggestion namin, kakausapin nalang ni Fonzel si Alfonso, PRIVATELY" emphasizing the last word.

"At habang kinakausap mo si Alfonso, sisiguraduhin naming tatlo na walang 'Yana' ang manggugulo sainyo." Singit naman ni Lian.

"Eh paano kung di maniwala sakin si Alfonso?" Pagda-dalawang Islip ko.

"Wag kang mag-alala. Syempre bilang iyong mga kaibigan, hinding-hindi kami papayag na wala kami sa eksena. Syempre sisingit kami." Pagmamalaki ni Ana.

"At ano namang gagawin natin dun? Makiki-third wheel?" Tanong ni Sia.

"Bakit kasi kayong dalawa lang ang nagusap eh. Di nyo manlang kami sinali ni Sia." Reklamo ko.

"Eh kaya nagshe-share na kami ni Lian ng mga pinagusapan namin diba." Sagot naman ni Ana.

"So ganito yan, Fonzel," paninimula ni Lian. "Habang kinakausap mo ng masinsinan si Alfonso, pupunta kami sainyo bilang maging 'witness'. May ibidensya na tayo diba."

"Tignan nalang natin kung hindi pa maniniwala sayo si Alfonso." Confident na sinabi ni Sia.

Lahat naman sila may point. Kaya lahat ng suggestions namin ay napagsama-sama at tinawag namin itong Oplan Resbak.
And to be honest, naniniwala akong magwo-work ito because Alfonso isn't  dumb enough para hindi makinig sa mga pinapa-hiwatig namin ng mga kaibigan ko.
Maybe it's time para ipaglaban ko naman yung side ko.

Seatmate Inlove ♥Where stories live. Discover now