Salamat, Mahal Ko
by Ingrid Monica AmielWalong buwan na tayo Mahal ko, walong buwan nang masaya at magkasama..
Magkasama sa lungkot at saya, sa mundong magulo pero nagiging langit kapag kayakap ka na..
Siguro nga napakaikli ng walong buwan para sa iba..
Pero sa loob ng walong buwan, ipinaramdam mo sa'kin kung ano ang tunay na pagpapahalaga..
Pagpapahalaga at pagturing na parang isang prinsesa..
Pagturing na parang isang prinsesa na ilang ulit nang naipangako ng iba..
Pangakong nagmistulang kasinungalingan, hindi napanindigan, at ngayon ay mahirap nang paniwalaan..
Pero dumating ka ng hindi inaasahan, sa panahong sukdulan ang kalungkutan,
Pagkabagot at pagkayamot, sa kawalan ng pagasang maaabot
Muli ang labis na kasiyahan na tila nasa kalangitan,
Dumating ka at pinatunayan, ipinakita ang tunay na kahulugan ng pagmamahalan..
Kaya Mahal ko, salamat sa'yo, nakalimutan ko na ang pakiramdam ng masaktan at mabigo,
Sa pamamagitan ng pagibig mo..
Salamat, Mahal ko.
BINABASA MO ANG
Notes To Ryan
RomanceA diary of a girl who have waited for years to find the man who would love her the most and make her his world, now that she had him, she will never let him go.