July 10, 2016

33 0 0
                                    

Kaka-5 months lang natin pero parang ang dami na nating napagdaanan. Nakakaramdam ng emptiness minsan pero pag naaalala ko kung bakit tayo nandito, tuwing nakikita kita, isang yakap mo lang nawawala lahat ng negativity na nararamdaman ko.

Isa lang ang pinaka napatunayan ko ngayong araw na 'to...

Ikaw ang lakas ko...

Pag kasama kita, buhay na buhay ako...

Tuwing uuwi naman tayo, sobra-sobrang lungkot, hinihiling na bumilis yung araw para magkasama na tayo ulit.

Sana lagi na lang kitang kasama...

Sana araw-araw kitang nakikita...

Pero hanggang "sana" na lang muna tayo.

Ngayong mga oras na 'to naluluha na lang ako, gusto kitang makasama, sa'yo lang ako sumasaya ng husto.

Binago mo yung mundo ko, ngayon sa'yo na umiikot 'to.

Isa lang ang tanong ko.

Pwede bang 'wag mo nang bitawan 'tong mundo ko... na hawak mo?

Notes To RyanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon