Chapter 2

3 0 0
                                    

"Lily, pakitawag na yung next. Salamat", nakangiting sabi ni Callie sa sekretarya niya.

"Okay po doctora. Tatawagin ko na po." At tinawag na nga ni Lily ang susunod na pasyente.

Oo doktor si Callie...
Pediatrician siya, mahilig kasi siya sa mga bata eh... Pano ba naman? Lumaki siyang panganay sa mahpipinsan sa father side, pero walang kapatid. Kaya sabik na sabik siya sa mga bata.

"Hello ate-doc! good morning po!", bati ni Steven, 6 yrs.old.

"Hi Steven! good morning din... Oh upo ka na...", ani Callie na may napakatamis na ngiti para sa bata.

"Okay... Inhale... Exhale... Again... Inhale.... Exhale...", pagchecheck nito sa bata habang nakatutok ang stetoscope niya sa dibdib nito.

"Naku mommy.... May plema si kuya ah...", halata sa boses ni Callie ang pag-aalala.

"Oo nga po doc eh. Ubo nga po ng ubo. Kaso minsan tumatakas siyang kumakain ng matatamis.", pagsusumbong ng nanay ng bata.

"Steven...", sabi ni Callie habang nakatingin sa bata na tila ba yinatanong kung totoo ba ang sinambit ng ina niya.

"Sorry ate-doc. Ang sarap kasi ng candy eh.", ani ng bata habang naka-peace sign pa.

"Uh-uhm... Promise mo sakin..  Pagbalik mo next week wala ka nang plema ha?", bilin ng dalaga sa bata.

"Mommy... Di pa naman ganong malala. Kaya mabilis lang po tong mawawala.", pagpapakampante ng loob ni Callie sa nanay ni Steven. Sinulat na din niya ang mga gamot na kailangang bilhin para kay Steven.

"Salamat doc.", ani ng nanay ni Steven, sabay ngiti.

"Your Welcome mommy.", tugon naman ni Callie at sinuklian din nito ng ngiti ang nanay ng bata.

"Bye ate-doc!", pamamaalam ni Steven kay Callie. Nagkiss pa sa pisngi ng dalaga ang bata.

"Sweet naman! Bye kuya... Huwag pasaway ha? Uminom ng gamot para gunaling na...", kaway ni Callie sa bata.

>>>>>>>SA KABILANG DAKO
"Beth, anong oras yung next meeting ko?", tanong ni Kaye sa sekretarya niya.

"10:30 po until 12:00 ma'am.", paguulat  naman ni Beth.

"Ahh.. Okay. Thanks Beth.", pagpapasalamat nito at ngumiti sa sekretarya.

"You can have your lunch Beth... Gugutumin ka mamaya sa meeting. Panigurado lagpas alas dose yun.", ani Kaye.

"Okay lang po ba ma'am?", tugon ng huli.

"Oo. Pati ako kakain na rin. Happy Luch Beth!", nakangiting pagpayag ni Kaye.

"Oh sige po ma'am. Salamat po. Happy Lunch din po.", ngiting sabi ni Beth.

Bumaba na din si Kaye para maglunch.
Nang makarating na siya sa kakainan niya.

"Rex ha... Yung set up nung borthday mamaya sa multi purpose room natin. Pakiayos na ha.", bilin ni Dayle sa isang staff.

"Heyy... You seemed so busy huh.", kanchaw ni Kaye lay Dayle.

"Kaye! What are you doing here?! Omg! Hahahahahahaha.", tuwang tuwa na sabi ni Dayle.

"Magma-mall ako dito...", pamimilosopo ng huli.

"Hayyy nakoo.. Hahahaha", tugon ni Dayle .

"Eh malamang kakain ako... Hahahahaha.", sagot ni Kaye. "Teka, bat parang sa reaksyon mo eh ngayon lang tayo nagkita? Magkatabi pa nga tayong natulog sa sala ni Callie dba?", tanong ni Kaye.

SEVENWhere stories live. Discover now