I. End of Contract

4 0 0
                                    

06-Nov-2012

Ito na impake na ko, nakakaiyak! Ayoko ng umalis dito eh. Kaso sabi nga di ba? Everything happen for a reason.

"Pakner! Mamimiss kita sobra!! Huhu.." umiiyak na sabi ni Mel sakin. Siya yung nag-iisang babae na kasama ko dito sa office, sya yung taga advice na kung anong dapat kong gawin, magaling yan! Magaling sa kalokohan, magaling sa trabaho, magaling sumayaw, magaling kumanta, magaling din umabsent kaya napapagalitan ni Sir Archie eh. Haha.. Pero madalas ma- "L" yan kahit babae yan basta usapang S3X..

"Ako din pakner. " naiiyak ko na ding sabi sa kanya.

"Ma-Ann!!" Tawag sakin ni Sir Archie.

"Boss?"

Niyakap niya ko at sabi nya..

"Sorry, hindi ko napakiusapan si Jerry eh na dito ka na lang, nagalit na nga ako eh. Sabi ko hindi na ko oorder ng Box sa kanila kapag nawala ka samin"

Napangiti naman ako sa sinabi ng boss ko, they're trying their best to make me stay on the company. Sa kumpanyang sobrang minahal ko. Sobrang nakaka-overwhelmed lang na ganun nila ako kagusto mag-stay sa company na yun.

"Ok lang po Boss." Kibit balikat ko na lang din sa kanya.

"Anyways, di ba gusto mo libutin buong production natin?" He asked.

"Oo naman po, pano kasi dami nating restrictions pag taga Logistic ka eh.. Haha!"

"Yun lang yun ang sabi kasi ng head boss eh.. Pero tara! Libot kita!"

"Aw, wag na Boss baka mapagalitan ka pa ng dahil sakin! Maya masisante ka pa eh." =__=

"Hindi yan! Ako bahala sayo, sagot kita!"

Ngumiti na lang ako at kumapit sa braso niya. Nagsuot na kami ng Foot socks, long sleeve blouse and mask. Dahil Factory Food kami ganun sila kahigpit para sa kalinisan nun. Yung tipong isa sa mga gusto kong gawin ay libutin yung production tapos tinupad pa ng boss ko bago ako lumayas sa kanila. Haha.. Saya lang! Mababaw lang naman kasi kaligayahan ko.

Nagpalit na ko ng uniform and then nagulat ako ng sinulatan nilang lahat yun for a message bago ako umalis.

Si Mel, Sir Archie, Sir Denz, Sir Raffy, Ardette, Kuya Kenneth, John, Gary at lahat sila na mga nakasama ko sa Logistic.
Sobrang inalagaan nila ako dun bunso nila ako eh. Pero pinagpapasalamat ko na nakilala ko sila. Kahit na ang goal ko magkaboyfriend ako dun! Kasi first work ko yun eh, NBSB pa din di ba? May nanligaw pero hindi seryoso, manyak pa nga daw sabi ni Pakner! Magaling mambola ganern! Ma "L" pa.. Hahaha.. [ A/N: Tanong nyo sakin kung ano yung ma-L ]

*fast forward*

Nag-apply na ko sa isang agency na malapit sa dati kong trabaho, suggestion yun ni pakner habang tambay pa daw ako. Swerte naman at nakapasa ako sa exam and interview. Swerte ko na din kasi since kakilala ko na coordinator ng agency magandang position bibigay niya sakin. 😊

"Ma'am Ma-Ann, anytime po balik ka samin kung gusto mo na mag-start ng work." Nakangiting sabi sakin ni Rojie.

"Sige po Ms.Rojie, salamat ng marami!"

Si Rojie halos kasing-edad ko lang sya assistant sya ni Ms.She, sya yung kakilala ni pakner na naghire sakin.

Lumabas na ko ng office ng may biglang tumawag sakin.

"Ma'am Ma-Ann!" At paglingon ko si...

"Ren?"

Lumapit sya sakin ng humahangos pa sya dahil galing sya sa pagtakbo.

"Aalis ka na daw? Totoo ba?" Tanong nya.

"O-oo?" medyo nagtataka kong sagot sa kanya na may kahalong tanong.

"Bakit?" Bigla syang sumimangot.

"Huh?"

"Gusto kong ituloy yung panliligaw ko sayo, seryoso ako." Sabi nya sakin sabay yuko.

"Ano?"

Ulit ko sa kanya dahil parang nabingi ako ng mga panahong yun.

"3 months ago na ko nagsabi sayo pero mukhang di mo sineryoso sinabi ko kaya inuulit ko ngayon."

Ako: Kroo kroo kroo

May gulay! Ano ba itey di ko alam sasabihin ko, sasabihin ko ba na ayoko kasi may mga nababalitaan ako tungkol sa kanya na di maganda? Kaso ayoko naman maka-offend ng tao.

"Ano? Napayag ka ba?" tanong nya ulit sakin.

"Eh.  Hehehe.  Alam mo sa totoo nyan? Di ko talaga alam eh, pede ko ba muna pag-isipan?"

Medyo nalungkot sya sa sinabi ko pero..

"Sige, pagisipan mo muna pero sana.. Sana talaga, payagan mo na ko."

Yun lang yung sinabi nya at bigla nya na rin ako tinalikuran at umalis.

****************************************** -> lam ko chaka ng first part medyo based on a true story po yung nakasulat dyan. Thank you sa makaka-appreciate. ☺

-kB

My Prince's Name is PRINCEWhere stories live. Discover now