V. Feeling Close

2 0 0
                                    

December 17, 2012


" Hi Navarette! " bati sakin ni Zilmar. Tinignan ko lang sya, kasi di ko pa rin sya bati!

"Uy! Bagay kayo!" sabi saming dalawa ni ate anne. Si Ate Anne nakasama ko na to sa ibang department kaso di kami ganun ka close, may grupo kasi sila nila Tapawan at Ate Ecay and they called their selves as
TRES MARIAS. Astig di ba? Hahaha.

"Hehe" yun lang nasabi ko nahiya kasi ako kay ate anne, saka di ko bet 'tong si Zilmar no! Mas matanda pa ko dito eh.

Sa PC Tub (one of dept):

"Hi Ate!" bati sakin ni Zilmar, nakangiti sya ng nakakaloko. Kaya di ko lang sya pinansin at pinagpatuloy ko ginagawa ko.

"Ate! Ate! Ate!" tawag nya ulit. Medyo naiinis na ko pero di ko lang sya pinansin.

Taena! Anong problema ng kumag na 'to? Epal ampotah!

"Ate, buntis ka?" Maya-maya tanong na naman sya sakin at this time, hinarap ko na sya.

"Hindi! Sampalin kaya kita!"

"AHAHAHAHAHA! ay akala ko buntis! Bochog lang pala!"

Grrr.. Tangnames ka! Hayup! Sakit nun ah? Mataba lang ako no! Grrrrr.. Buyisit!!!

Sakto naman na magbebreak na ko kaya ako umalis, buti na lang din. Habang nasa canteen ako hindi maalis sa isip ko yung sinabi ng kumag na yun. After 15 minutes break bumalik na ko sa loob ng production kung san ako nakadestino.

"Uy! Navarette san ka?" tanong sakin ni Raymart.

Uy si Crush! Goodvibes . 😊

"Dito lang sa packaging." nakangiti kong sagot sa kanya.

"Talaga? Tara sabay na tayo!"

Hay! Pagsinuswerte ka nga naman oh!

"San ka nagtatrabaho dati?" tanong nya sakin.

"Sa NUR, sa pagawaan ng cup noodles"

"Talaga? Dun ako dati eh."

"Oh? San ka dun saka kelan ka nagwork dun?"

" one year ago na, isang taon din ako dun! Nakakamiss nga dun eh."

"Oo nakakamiss dun, lalo na sa Logistic."

"Aah, dun ka? Sa loob ako ng production eh"

"Aah, sa logistic ako. Kasama ko sila sir dennis, sir archie."

" aah, oo kilala ko yun! Masungit yun eh si Sir archie!"

"HAHAHAHA.. Sabi nga daw nila, pero sakin sobrang bait nun!"

"Talaga? Di ba tao nya si Ardette?"

"Oo, kilala mo din?"

"Oo, pati sa Q.A marami ako dun kilala, si Carla kilala mo?"

"Oo! Cute nun ni carla!"

"Oo crush ko yun eh"

Ouch! Crush mo yun? Sabagay cute naman talaga si Carla, mabait pa! Di na nga kita crush!

"Aah, mabait din yun eh"

"Oo, kaya nga crush ko yun eh" ngumiti na lang ako sa kanya.

"Sige ah? Dito na ko!" paalam nya sakin at ako naman dire-direcho sa packaging.

"Navarette!" maya-maya tawag sakin.

[A/N: pasensya na kung surname ah? Looks like tawagan sa school, ganyan kasi talaga yung nangyayari at tawagan dun. Hihi!"]

"Po?"

"Kailangan ng tao sa conveyor! Dun ka muna, kaya mo ba dun?"

"Hindi po pero pag-aaralan."

"Sige."

Sumunod na ko kay Ma'am Betty isa sa mga line leader namin.

"Estrada! Turuan mo muna 'to si Navarette tapos lumipat ka sa kabila, iwan mo sya dyan!" Sabi nya sa kasamahan ko.

"Hello!" Bati nya sakin.

"Hello din po"

"Bago ka dito?" Tumango lang ako, tinuruan nya ko kung pano gawin yun at madali lang naman kaya natutunan ko agad.

"Ate Estrada! Turuan mo yan ah?" sigaw na naman ng lalaking may nakakainis na boses.

Hay!! Kontrabida ng buhay ko oh!

Lumapit siya samin at medyo nagusap sila di ko sila pinapakinggan kasi di ko naman ugaling makinig sa usapan ng iba.

Maya-maya habang nagtatrabaho na ko kinausap na naman ako ng unggoy.

"Wow! Galing ah? Bilis matuto ah?"

Ngumiti lang ako sa kanya. At di pa din sya kinakausap.

"Zilmar! Type mo sya?" Tanong ni ate estrada sa kanya. Hindi ko narinig yung sinabi ng unggoy pero alam ko nakangiti sya ng lumingon sya sakin at patuloy na pinagmamasdan ang gawa ko.

×××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××
Excited na ko masulat yung mga next na kabanata kaso minsan busy talaga ako eh... Dispensa. :(

My Prince's Name is PRINCEWhere stories live. Discover now