II. Unexpected

2 0 0
                                    

15-Nov-2012

Papunta ako ngayong papasukan ko, kailangan daw kasi pumirma na ko ng kontrata.

*Fearless Office*

"Ma-Ann pwede ka na mag-start tonight if you want." Nakangiting sabi sakin ni Rojie.

"Talaga po?"

"Oo, kung gusto mo lang naman."

"Sige po."

I already signed the contract bago umuwi. It's already 3:12 in the afternoon, yung shift ko will be 10pm today.

*Sa Bahay*

"Bakit naman ang bilis mo mag-start nak? Pahinga ka muna." sabi sakin ni Papa nung sinabi ko na may trabaho na ko. Everytime na nagkakatrabaho ako di ko naman sinasabi na nag-apply ako basta na lang sasabihin ko na may trabaho ako. Yun lang.

"Eh Pa! Malapit na magpasko mahirap walang pera no!"

"Eh kasi naman nak isang linggo pa lang, wala pa nga ata eh nung umalis ka sa dati mong trabaho." singit ni mama.

"That's the way it is." Kibit balikat ko pa ding sabi sa knila, kilala naman nila ako eh kapag sinabi ko then yun na yun. Di naman na nila ako pinigilan. Nagpatuloy pa din sila sa pagtitig sakin habang nagaayos ako ng gamit papasok.



8:47pm:

"Hi!"

"Hello?" sabi ko naman sa bumati sakin na tingin ko Gay sya.

"Bago ka lang din?"

"Sa mundo HINDI pero dito sa kumpanya OO."

"HAHAHAHA.. Gusto keta!" sabay sabi nya sakin.

"He he he.. "

"Anong name mo?"

"Ganda."

"Ay taray! Magkapangalan pala tayo."

"Hahaha.. Ayoko na pala!"

"Ha ha ha.. Magkakasundo talaga tayo!"

"Talaga ba?"

"Oo no! Sya nga pala name ko si Denve--"

"Kayong dalawa! Lapit na dito!" Maya-maya sigaw samin ng isang lalaking siguro mga late 30's na yung age. Lumapit naman kami.

"Taray nya no?" bulong sakin ni bakla. Siniko ko nama sya agad kasi medyo malakas pagkakasabi nya. Habang papalapit kami mag nagtatawanan na paparating na grupo ng lalaki at...

"Aray ku po!" nasiko nya ko sa balikat malapit sa dibdib. Gawa ng naghaharutan sila sa daan.

"Ay Miss Sorry!" sabi ng lalaking nakasiko sakin.

"Tsk." yun lang nasabi ko at di ko man lang sya tinignan sa sobrang inis ko.

"Sorry na nga eh."

"Tss.. Ikaw pa galit?"

"Ayaw mo kasi tanggapin sorry ko eh!"

"Sorry? Sorry? Puro na lang ba sorry? Sawa na ko! Sawang sawa na! Ayoko na! Magbreak na tayo!!" biglang singit ng newbie friend ko.

"Hoy bakla ka! Ano tinira mo?" Sabi ko sa kanya.

"Wala bakla! Hugot lang.. Hahaha.. Hi Pogi!" Sabay sabi nya sakin at sa lalaki.

"Hoy! Kayong dalawa! Lika na dito!"

"Opo!" Sabay naming sabi at lumapit na sa grupo na tingin magbibigay lang ng instruction.

"Ikaw Zilmar! Umalis ka na, tapos text mo ko maya ah?" Sabi nya sa lalaking bumangga sakin.

"Tss.. Bakla pala to!" Pabulong kong sabi.

"Opo Sir!" Sabi naman nung unggoy na lalaki.

*****************************************
- > hanggang dito muna. :)

My Prince's Name is PRINCEWhere stories live. Discover now