After some time...

45 2 0
                                    

In every story that ends, syempre may panibagong story.

Tinapos ni Trish ang pag-aaral niya ng highschool. Nahirapan talaga siyang makaa-move-on sa pagkawala ni Vince. Pero hindi ito naging dahilan para mawalan na sya ng gana mabuhay. Di siya tulad ng iba na nawawalan na ng pag-asa o kaya naman ay nagiging bitter.

"Nak gising na!!!"

Sigaw ng nanay ni Luoie.

"ANUNG ORAS NA?? TANG.....TANGHALI NA AH? ANUNG BALAK MO S BUHAY MO?"

Anu kinalaman ng paggising sa umaga sa balak nyang gawin sa buhay? Nasanay na lang  si Luoie sa kanyang nanay na ang bunganga ay talo pa ang sterio ng mayaman nilang kapitbahay.

Ganyan si Louie, napakarami pang mga seremonya bago makapagbuhos ng isang napakalamig na tabo ng tubig. Piling niya may magagawa ang pagpapaikot ng tubig sa timba. Lahat na ata ng alam niyang kanta ay nakanta na niya. Take note, may kasama pa yung arte na parang music video or steps ng sayaw.

After sometime, natapos na din siyang maligo, at pagkatingin sa orasan nilang malaki...

"Ghad, late na ako!!!"

"Owi, anu ung assignment natin sa Lit1?" Tanong ng sumalubong na classmate ni Louie sa kanya. Ayaw man niyang magpahiram, wala siyang magagawa kasi kapag siya naman ang wala, hindi din makatanggi sa kanya.

"Ahh..wala pa ee. Mangongopya lang din ako kay Papa P!!!" pagsisinungaling ni Louie.

Kitams, hindi niya ipapamahagi ung mga ginawa niyang assignment ON HIS OWN!!!

Si Louie...ang lalakeng mukhang tamad pero tamad talaga na hindi naman bumabagsak dahil may utak din naman siya kahit papano. Si Louie, ay ang isa sa mga pinakakinaaasaran ni Trish sa klase nila ngayong College na siya.

"Hi Trish! Ang ganda mo ngaun!" sabi ni Louie.

"Ngayon lang? eh panu bukas?" sagot ni Dabs, ang close friend ni Trish na isang beki.

"Syempre bukas ikaw naman..." sabi ni Louie habang hinaplos nito ang leeg ni Debs, "Pero hanggang bukas ka lang din ah! Balik na ulit kay Trish ung kagandahan!"

"Thanks Louie! Pero sadayang pang dyosa ang ganda nyan ni Dabs. At siya lang ang nababagay sa pang prinsipe mong kagwapuhan!" sabay tawa kay Debs.

Hindi  alam ni Trish kung matutuwa ba siya o maaasar kay Louie. Tinaasan niya lang ito ng kilay na parang nagtataka na may konting ngiti. Gwapo naman si Louie, yun nga lang kahit kelan ay hindi pa rin niya inisip na magmahal muli. Hindi dahil sa iniisip pa din niya si Vince. Kundi natatakot siya sa kung anu pang pwedeng mangyari. Natrauma!

Matagal nang natanggap  ni Trish na wala na Vince. Pero ang iniisip na lang ni  Trish ay kailangan niyang makatapos ng pag-aaral. Alam naman ni Trish na may gusto si Louie sa kanya hindi nga lang ito nanliligaw o nagsabi ng kahit ano sa kanya. Basta ang alam niya, hindi siya magkakagusto kay Louie.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon