"Dre, may gusto ka ba kay Trish?", sabi ni Jay ang bestfriend niya sa Dota. At nagtinginan ang 4 pa nilang tropa habang kumakain sila.
"Maganda siya!" ang tanging sagot ni Louie kay Jay at inisa-isa ang tingin para kay Phil, Lei, Den at Drew.
"Dream on dre!" sabi ni Lei, "Pihikan yung si Trish. Sa'yo na tong wallet ko pag naging kayo."
Hindi din naman kinikwento ni Louie sa barkada kung meron nga talaga siyang gusto kay Trish. Sa araw-araw na lang na nagkikita sila parang ang kulang na lang ay ang manligaw talaga siya kay Trish. Nalilito din siguro siya dahil ayaw din naman niyang magsayang ng oras o panahon sa pag-ibig ng hindi niya alam kung matutuloy. Walang tiwala sa sarili.
Kung maiinlab ako sa kanya, handa din naman akong magbago. Sabi ni Louie sa sarili niya habang ngumunguya at nakatingin sa mga bula ng coke sa baso niya. Oo nga. Pero pag-iisipan ko din muna.
"Tara na. 2hours na lang time natin magdota! Meron na akong dalawang absent kay Esther da Orphan." sabi ni Jay sa kanila.
Pagkabayad nila sa kinainan nilang canteen, deretso na kagad sila sa katabing computer shop. Sakto! Andun ang lagi nilang kalaban na hindi pa nananalo sa kanila sa loob ng tatlong buwan. Ang maganda sa kanila ay hindi nila naisipan ang makipagpustahan.
Matapos ang isang oras ng paglalaro tinamad na ang 5 at nagpasya na tumigil na. Nakipagkamay sila sa mga kaibigan nilang kalaban sa dota at nagpaalam na may klase pa sila.
"Ang hirap nga nilang talunin e." sabi ni Louie
"Pero sa una lang naman sila nakakapatay." ani Jay.
"Lagi naman eh!"
Pumunta na sila sa room nila na sobrang laki para sa dalawanpu't limang estudyante. Kaya mahirap ang kopyahan sa Accounting nilang subject. Hindi na umasa si Louie na papasa sa subject na toh pero lagi siyang nakakapasa sa mga quizzes nila sa worksheet. Mahilig manghingi si Louie ng worksheet kay Dabs, na sa una ayaw pero ilang saglit lang at lalapit na si Dabs sa kanya para bigyan! (Ampogi eh!!) Hindi din naman niya kasalanan siguro na manghingi kung parating surprise ang mga exams nila.
"Thanks ganda!" sabi ni Louie kay Dabs sabay kindat!
"No problem baby!" ang parating sagot ni Dabs. Baby naman ang tawag niya, sa buong grupo nila Luoie, pero sa ibang lalake sa klase, hindi! Palaisipan na sa lima kung bakit. Ayaw din naman sabihin ni Trish sa lima kung sino sa kanila ang gusto ni Dabs tuwing nagtatanong sila sa kanya.
"Bakit ba kasi Baby ang tawag mo samin. Dapat isa lang. Umamin ka na kasi Dabs. Sa'kin ka may gusto." sabi ni Louie habang natatawa at may arteng pagpapa-cute. "Para pwede nang Labs ang itawag ko sayo imbis na Dabs! Di ba?"
Hindi na nakita ni Louie kung anung naging reaksyon ni Dabs. Natawa na lang siya at si Jay, na katabi niya, sa sinabi nito.
"Dre baka mapahamak ka niyan?" sabi ni Jay.
"HINDI PALA SI TRISH EH! SI DABS PALA ANG LABS NI LOUIE! HAHAH" sabi ni Phil kahit malayo ito sa kanya. At natawa ang buong klase sa sinabi nito.
"Fuck up dude!" sabi ni Louie.
"Okay lang yung BABY PHIL. Wag ka na magselos!" sabi ni Dabs na may pagkalakas ng boses.
Natawa din si Trish sa sagutan nila. At sa kalagitnaan ng tawanan ng klase... nagkatinginan si Trish at Louie ng hindi inaasahan.