Magbest friend kami ni Vince. Magkaibigan kami since Grade 3. Nagkakilala kami through our common friend na si Mira at unti-unting naging close sa isa't-isa.
Boyfriend material daw si Vince sabi ng marami. Sa bagay, gwapo siya, matangkad at vasrsity player pa ng school namin. Pero kahit na madami anf nagkandarapa sa kanya, hndi kailanman lumaki ang ulo ng bestfriend ko.
Swerte ko nga e, dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ay nakakasama ko ang hearthrob ng school namin. At kahit na madami kaming pinagkaiba, lalung-lalu na sa pag-uugali, ay naging close pa din kami.
Si Vince kasi yung kaibigan na hndi mahilig sa gulo at walang alam sa panliligaw. Samantalang ako, warfreak at makuli. kaya nga sa tuwing may kaaway ako, lagi yang nandun, "to the rescue" ika nga...
Ayaw na ayaw niyang nakikipag-away ako dahil hindi daw magandang umasra ako na parang tibo. Lagi nga niya akong sinesermunan eh.. Dun siya magaling .. sa panenermon. May balak nga atang magpari eh. hehe.
Tapos, lagi niyang sinasabi na, "Ano ba bez? Tumigil ka nga sa pakikpag-away. Para kang tibo niyan eh! Umayos ka ah?" Tapos ako, tatahimik kunwari, makikinig sa sermon niya, pero kinabukasan, makikipag-away nanaman na parang hndi niya pinagsabihan.
Ganyan ako kapasaway. Hindi marunong makinig sa sermon ng bestfriend kong si Vince na ang tanging hangad lang naman para sa akin ay ang umayos ang buhay.
Marami akong kakulangan na pinupunan naman niya. Kaya isang araw, I asked him ng ganito, "Bez, Bakit mo ginagawa lahat ng ito?"
Sabi naman niya, "Kasi importante ka sa akin at gagawin ko ang lahat para hndi ka mawala sa tabi ko!"
Tinanong ko ulit siya, "Bakit? Kahit na mahirap gagawin mo?"
Mabilis naman niya akong sinagot ng, "Oo naman!!! Mas Mahirap kayang mabuhay ng wala ka!!!"
Sai ko sa sarili ko, "Swerte ko naman at naging kaibigan ko siya!"
Kaya mahal na mahal ko kaibigan ko eh! Kasi parehas naming pinahahalagahan ang bawat isa. Mahirap na atang mabuhay ng wala siya sa tabi ko, lalo siguro akong magiging pasaway at sakit sa ulo ng parents ko dahil wala ng sasaway sa akin, lalung-lalu na tuwing nakikipag-away ako.
Bilang ganti sa mga ginagawa niya para sa akin na hindi ko naman iniintindi, lagi ko siyang nireretohan ng iba't-ibang girl.
Meron pang 1st class, 2nd class...etc... pero sa kasamaang palad, hindi niya daw gusto yung mga girls na pinapakilala ko sa kanya. kaya tinanong ko siya, "Bakit ba ayaw mo ng ganito?"
"Kasi nahanap ko na siya, di niya lang ako makita. Bulag ata eh!"
Kaya simula ng araw na iyon, lagi ko siyang tinatanong kung sino yung maswerteng girl. Pero kahit anung kulit ko, hindi pa rin niya ako sinasagot.
Ayus lang yon. dahil malalaman at malalaman ko din kung sino yung girl na yun. Ganyan kami ng Bez ko, give and take ang relationship namin. Laging nagdadamayan, "through thick and thin!" at hindi nag-iiwanan. Hindi rin nagtatago ng problems at secrets sa isa't-isa, maliban na lang sa name ng girl na gusto niya! Kaya nga habang tumatagal, lalo pa siyang nagiging importante sa akin.
Hindi lang dahil sa bestfriend ko siya...kundi parang iba na.
Ngayon kasi, aminado na nga ako na gusto ko na siya pero hindi ko kayang sabihin na mahal ko na siya. Dahil baka masira ang friendship namin.
Isa pa, ang alam ko ay may mahal na siyang iba. Sana nga akin na siya eh! Pero hanggang sa pagiging bestfriend niya lang ang papel ko sa buhay niya.
Ngayong nakalipas na ang mga araw, parang napansin kong panay ang tanong niya tungkol kayn Ginelle. kaya isang araw tinanong ko siya,
"Bez. . . . Siya ba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/731286-288-kb2b592.jpg)