Broken Bolster (ONESHOT)

1.4K 62 21
                                    

Copyright 2013 © Yeppeun

Broken Bolster | One Shot Story

Note: First ever entry writing contest. Pinost ko lang dito :) REVISED VERSION na po ito :)

***

"Mahal na mahal kita..." Muli kong naramdaman ang mahihigpit mong yakap.

Halos isang taon din pala. Isang taon kitang kasama sa lahat ng mga pinagdadaanan mo at isang taon ko na rin naririnig ang mga kataga na 'yan sayo. Ewan ko ba hindi kita maintindihan, kung minsan masaya ka habang binibigkas mo ang mga salitang 'yan at kung minsan naman malungkot ka. Sa halos araw-araw at gabi-gabi mo akong kayakap pakiwari ko nararamdaman ko na rin kung ano ang nararamdaman mo. Weird para sa'kin, hindi ko dapat ito maramdaman pero.. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman. Siguro, hindi ko mapigilan.

Sa tuwing gabi na yakap-yakap mo ako habang umiiyak ka, wala akong magawa kundi ang makinig sa lahat ng mga sasabihin mo pero ang hindi mo alam nararamdaman ko na rin ang sakit na nararamdaman mo. Kakaiba ka sa lahat. Ang tibay-tibay mo, saksi ako sa lahat ng mga pinagdaanan mo sa kanya halos balde-baldeng luha na ang iniiyak mo ng dahil sa kanya, pero wala e. Hanggang dito lang naman ako, wala akong magawa kundi ang panoorin kang umiiyak habang yakap-yakap mo ako mula sa mga bisig mo.

Okay lang sa'kin kahit mabasa ako ng puro luha mo wala akong pakialam doon, kasi sa ganoong paraan kita matutulungan. Kung sana kasi.. Katulad mo rin ako.

Hindi ka ba napapagod? Hindi ka ba nag-sasawa? Diba masakit na? Bakit patuloy ka pa rin? Bakit siya pa rin ang mahal mo? Marami akong tanong sayo, marami akong gustong sabihin sayo pero wala.. Wala akong magagawa.

Gusto kong sabihin sayo na tama na, masyado ka ng nasasaktan pero hindi ko kaya.. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit kasi ako ganito?

Nararamdaman ko lang ang kasiyahan sa tuwing nakikita kitang naka-ngiti tapos yayakapin mo ako at gugulong-gulong sa kama mo. Hindi kita masisisi kung bakit patuloy ka lang na minamahal siya. Dahil alam kong sa kanya ka lang naman sasaya. Pero sa bawat ngiti mo nararamdaman ko ang sakit na kaakibat nito, sa bawat panandalian na kasiyahang nararamdaman mo katumbas 'nun ang pang-matagalan na sakit. Hindi ko kayang husgahan ka, wala e. Hindi mo naman kasalanan nag-mamahal ka lang naman.

Siguro darating din ang tamang panahon na hindi ka na iiyak, darating din 'yung taong mag mamahal sayo ng higit pa sa inaakala mo at darating din ang panahon na totoo ang mga ngiti sa labi mo. Pero sana sa panahon na 'yon kasama mo pa ako, sana hindi mo ako makalimutan at sana masaksihan ko pa ang mga 'yon balang araw.

Pero sa ngayon isa lang ang kaya kong gawin, ang panoorin kang nasasaktan at umiiyak. Mahirap para sa'kin ang sitwasyon ko, pero ito ako.. Sa ganitong paraan ako hinubog ng tao, kahit masakit para sa akin kailangan kong tanggapin.

Alam mo bang umaasa ako na balang araw ako na mismo ang yayakap sayo at ako na mismo ang mag pupunas sa mga luha mo.. Sana balang araw mag kita ulit tayo.. Sana...

"Ang sakit-sakit na.." Muli ko na naman narinig ang mga hikbi mo, ayan ka na naman umiiyak habang yakap-yakap ako nararamdaman ko na naman ang sakit na nararamdaman mo hindi ko na kaya gusto na kitang yakapin.. Ang hirap-hirap na ng sitwasyon ko.

Pero wala akong magagawa..

Bakit kasi ganito ako?

Gusto kitang tulungan sa sakit na nararamdaman mo.

Pero hindi ko kaya...













Unan lang kasi ako.

Broken Bolster (ONESHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon