Magkamuka daw sila

319 3 0
                                    

Andy

"First day na first day mukang malalate pa ata ko." Yan ang paulit ulit na sinasabi ko sa sarili ko habang tumatakbo na paakyat ng room namin. Bakit ba kasi hindi nagalarm yung phone ko kanina. Tsk!

Andy nga pala guys! Andrea Saavedra, 19 years old. 3rd year college na ko ngayon, konting tiis na lang gagraduate na ko. Ohyess!!

Tamang pagpasok ko ng pinto ng nagsigawan ang mga kaibigan ko.

"Andybaaaaabes!!"

"Bakit ang tagal mo?!"

"Oh, ayan na pala sya."

Walang prof, tara gala tayo!"

Sabay sabay nilang sabi. "Wait lang! Pakiulit nga yung sinabi nyo, walang prof? Putik naman oh! Nagkanda dapa dapa na ko sa pagmamadali sabay walang prof." Hingal kong sabi.

Tawang tawa lng sila sa itsura ko. Naman oh sana tinxt na lng nila ko para hindi na ko umakyat dito sa room.

"Besplen wag ka na sumimangot dyan namiss ka kasi naming lahat eh." Sabay akbay sakin ni Sheng. Isa sya sa mga bff ko pero sya yung positive ng pinaka samin, pinakatahimik! pinakamabait! pinakasweet!

"Tss.. Oo na, oo na! San ba tayo? Wag nyong sabihin na mall sarado pa yun 7am pa lang oh."

"Hala! Oo nga noh? Tara senyo na lng Andybabes!" Si Chelle habang nagttxt. Bestfriend ko din yan kung mapapansin nyo lagi may hawak na phone yan kundi nagttxt nakikipagtawagan sa jowa niya. Si Chelle nga din pala yung kabaliktaran ng pinaka ni Sheng, pinakamadaldal! pinakabully! etc. Tapos ako, eto pinakacute lng! Hahaha

"Hindi pwede! Hindi pa ko nakakapagligpit! Makalat pa."

"Kelan ba naging malinis dun" si besplen. Tinignan ko sya ng masama at nag peace sign lng sya.

"Tara Sandy's na lang tayo. Ittxt ko na si ate na papunta na tayo dun." sabi ni John. Sya naman eh ex bf ko. Opo tama ang nabasa niyo ex ko sya, pero buddy buddy na kami ngayon.

Umamin kasi siya sakin na gay sya at hindi na niya matake pag clingy ako masyado sa kanya. Ok lng nman sakin, inamin ko nadin tuloy sa kanya na bi ako para hindi siya masyado maguilty. Pero sayang kasi ang gwapo niya talaga!

Pagdating doon naghintay pa kami ng konti kasi inaayos pa nila yung room at kami pa lng yung unang nagcheckin. Hahy! Ni hindi man lang ako nakaupo sa room pero mukang mababawasan na agad yung baon ko. Tsk! Nagpagpasyahan ng lahat na bumili na muna ng makakain habang naghihintay namili nadn kami ng mga papanuorn. Bali dalawa yung pinili kasi 1pm yung susunod na subject namn.

12:30 na nung natapos kami manuod sakto lng para sa paglalakad papasok ng sunod na subject. Pagdating namin ng room kami na lang ang kulang andun nadin yung prof.

1:15 na nung tumayo yung prof para isulat yung pangalan niya. May grace period kasi kami ng 15 minutes kaya ganon. At oo kahit college na uso padin ang pagpapakilala sa harap. Pero dahil karamihan samin magkakakilala na yung mga bago na lng daw gagawa nun. Yey!!

"Psst.. Tignan mo yung tatlong bago. Yung pinakamaliit, kamuka ni Jess diba?" Bulong sakin ni John. Si John lang kasi nakakaalam na bi ako at alam niyang si Jess na childhood friend namin ang first love ko.

Tinignan ko naman yung tatlong bago. Yung isa matangkad na maganda na maputi, Annette daw name niya.Yung pangalawang nagpakilala katamtaman lang yung tangkad na medyo payat at maganda din naman sya, Shelly name niya. At yung pangatlo na na sabi nila kamuka ni Jess eh maliit na may mahabang hair tapos cute naman sya. Napataas bigla yung kilay ko. San banda naman sila naging magkamuka? Mas maganda si Jess noh. Baka sa height lang sila magkamuka, parehas sila maliit! Hehehe! Peace. Tahimik lang ako na sinusundan sya ng tingin.

"Hi Good morning guys! I am Shandy de Chavez, galing din ako sa section C. Sana maging mabait kayo sa amin." Ahh Shandy pala pangalan nya. Oh tapos ano naman ngayon kung yun nga pangalan niya. Tsss..

After magpakilala ng mga bago nagpakuha ng papel ung prof ilagay daw namin dun kung anong expectation namin sa subject niya. Sus, kunwari pa sya tinatamad lng sya magdiscuss. Aiisshhh! Kung alam ko lang na ganito mangyayare sa araw na to sana hindi na lng ako pumasok! Tsk!

Naku naman wala akong papel, napansin ko na lahat ng katabi ko nanghihingi dun sa Shandy na yun. Tss.. Pakitang gilas! Pero wala akong papel! Napatangin sya sakin sabay alok ng papel. Kinuha ko na pero hindi ako nagthank you. Sya naman nagbigay hindi ako nghingi. Tss..

Maya maya lng umingay na naman ang klase mukang tapos na sila magsagot. Pinayagan nadin kasi umalis yung mga tapos na kaya yung iba mema na lng, memasagot para makauwi na. Yung iba naman dinadaldal yung bago lalo na yung Shandy. Magkamuka daw kasi sila talaga ng Jess ko. Oo ko, akin sya bakit ba. Nakakainis paulit ulit sila na magkamuka sila.

"Hindi sila magkamuka, ang layo kaya." tinginan sila lahat sakin. "Oh bakit, totoo naman ah!" Sabay irap.

Inayos ko na yung gamit ko sabay tayo. Paalis na ko nung may tumawag sakin.

"Andy!"paglingon ko si Shandy pala

"Thank you ha!" Napataas kilay ko. Bakit sya nagtathank you?

" Akala ko lahat na lang kayo ganon yung tingin. Nakakailang din kasi. Tsaka hindi ko naman kilala yung Jess ba yun?"

"Ahhh.. Sige. Hindi mo kelangan magthank you, hindi naman kasi talga kayo magkamuka." Mas maganda yung Jess ko, dugtong ko sa isip ko. Hehehe

"Ganon ba? Salamat padin" saka sya nagsmile. Bigla naman lumakas yung kabog ng dibdib ko dun. Shit! bat ang ganda niya magsmile?

Hala! Hindi to pwede! Si Jess lang maganda sakin. Sya lng mahal ko! Hindi to pwedeeeeee!!

Love me backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon