Ihahatid niya ko

108 2 0
                                    

Andy

Mabilis na lumipas yung araw na hindi ko pinapansin o kinakausap si Shandy, mahirap na baka mafall nga ako ng tuluyan. Nagkakagulo ngayon yung mga classmate ko kasi 7 o'clock na ng gabi hindi padin kami pinapauwi.

Andito pa kasi kami sa auditorium ng school namin bawal umuwi hanggat di pa tapos yung boring na program. Nagagalit na yung iba kong classmate na malayo pa ang uuwian lalo na yung mga hindi pa nakakapagayos ng gamit nila, may tour kasi kami bukas kelangan maaga kami pumasok pero andito parin kami.

Ako naman eto parelax relax lang. Sa malapit na condominium lang kasi ako nakatira kaya kahit late na kami pauwiin limang tumbling at tatlong kembot lng nasa bahay na ko. Hehe!

Maya maya lang kumakanta na kami ng school hymn, sign na patapos na yung program. Yung iba nasa tabi na ng pintuan excited na talaga makauwi. Haha

"Hoy besplen! Pangiti ngiti ka dyan!" si Sheng

"Hehe! Natatawa ako sa iba nagmamadali talaga makauwi!"

"Malamang! Maaga pa tayo bukas. Nakapagayos ka na ng gamit mo?

"Syempre!"

"Weh?"

"Syempre hindi pa! hahaha"

"Ang tamad mo talaga! Baka mamaya may makalimutan kang dalin, wag ka manghihiram sakin."

"Hahaha! Oo na! basta pagising bukas. Love you! ingat!" saka ako bumeso

Pagdating sa gate ng school naghiwalay na kami ng daanan ni besplen. Si Chelle at John kanina pa nauna, excited makita mga jowa nila! Taray, lumalove life nadin ang Johnny babe ko! haha

Naglalakad na ko pauwi nung napansin ko yung Vice President namin, si Jay. Bakit kaya hindi pa sya umuuwi, ang alam ko malayo pa uuwian nia ah. Gugulatin ko sana nung bigla syang napalingon.

"VP! Bat andito ka pa? Hindi ka na ba uuwi, hihintayin mo na lng magumaga? Hahaha"

"Baliw! Hindi, ihaha..

"Jay! Sorry nagCR pa kasi ako, ayun nauna na yung dalawa iniwan ako."

Hindi natuloy yung sasabihin niya kasi may tumawag sa kanya paglingon ko si Shandy pala.

"Ayun nga ihahatid ko mga bago nating classmate kasi gabi na pero mukang si Shandy na lang mahahatid ko" napataas naman kilay ko dun, bakit yung iba naman naming classmate di niya hinahatid? tsaka lagi kaya sya nangunguna sa paguwi.

"Hello Andybabes! Sabi ko nga hindi na kelangan kasi malapit lng nman ako dito. Ganto ba talaga si Jay sa inyo?" sabay smile niya

Bumilis na naman tibok ng puso ko dun at feeling ko naginit bigla yung pisngi ko, tapos tinawag niya pa kong Andybabes!! Hindi ko mapigilang mapangiti.

"He-yow din!" putik nabulol pa ko

"Oo naman! Syempre gusto ko lng makasigurado na safe ka makakauwi, I mean kayo nila Annette." si Jay sabay smile

"Ganon? Hmmm. Andybabes diba dyan ka lang sa may Rising Sun nakatira? Ikaw na lng maghatid sakin."

"Ha? Bakit sya? Ako na lng!"

"Hindi na si Andybabes na lng, madadaanan nman yung dorm ko bago yung Rising Shine. Isa pa maaga pa tayo bukas kaya umuwi ka na."

"Ha? Ehh.."

"Sige na, anong oras na oh.."

"Osige na nga.."

Ayun umalis si Jay na luhaan at bigo. Lol joke lng! Umalis sya na parang nalugi tapos ako naman, nganga! Ako daw maghahatid at hindi yun tanong. Sinasabi niya na ako talaga maghahatid sa kanya!

"Tara na Babe!" sabay yakap niya sa braso ko

Ano daw Babe? Feeling ko pulang pula na yung muka ko.

"Ok ka lang ba? bat namumula yung muka mo? may sakit ka ba?'

"Ahh.. ehh.. init kasi."

"Oo nga ang init ngayon uulan siguro."

Buti naman at bumenta yung dahilan ko. tsk! Pagkatapos ng limang tumbling andito na kami sa dorm niya tatlong kembot na lang nasa condo naman na ako. Hehe!

"Andybabes! Thank you sa paghatid. Ingat ka ha! See you tom!" Tinanguan ko lng sya. Tatalikod na sana ko nung tinawag niya ko ulit. Paglingon ko..

"Tsssuuuuup!" "Good night!" sabay tumakbo sya papasok ng dorm.

Mga limang segundo muna bago ako nakarecover sa kiss nya sa cheeks ko, ang saya! Nakakakilig naman!

Ngingiti ngiti akong kumekembot pauwi! Haha! Gusto niya kaya ako? Pero baka nagiging friendly lang sya. Napatigil ako sa pagkembot. Oo nga, baka friendly kiss lang yun.

Tsaka bakit ba ko umaasa na magustohan nya ko, ibig sabihin ba nun gusto ko na talga sya?

Love me backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon