Andy
Ilang araw na masakit ang ulo ko, pano ba naman hindi ako pinapatulog ng "halik ni Shandy". Hindi to maganda, kelangan ko na talaga sya iwasan. Wala naman akong gusto sa kanya diba? Diba wala?
"Hoy! Bakit ang aga aga sambakol yan muka mo? Para kang tanga dyan. Umayos ka nga!" Si Chelle.
"Mamamatay na ata ako, ang sakit ng ulo kooooo!!" T___T
"Luhluhluh! Patay agad? Hindi ba pwedeng madiagnose ka muna ng brain cancer? Hahahaha"
"Chelle tumigil ka na nga, wag mo na nga asarin yang pinacute at pinakamabait kong besplen. Hi besplen! Good morning! Halika ka nga dito at namiss kita ng sobra!" Si Sheng habang akap akap ako.
"Asus parang alam ko na to, hindi mo pa nasasabi kay Andy noh?" Taas kilay na sabi ni Chelle.
"Ang alin ang hindi pa niya nasasabi sakin?"
"Eh kasi.. Besplen.. hehe!"
"Anong hehe? Umayos ka nga!"
"Eh kasiii...Late ko nadin naman na nalaman to tsaka hindi ko talaga ginusto maniwala ka sakin pero wag ka magalala kasi may papalit sakin!" Nagmamadali niyang sabi.
"Ha? Anong papalit? Linawin mo nga, lalo ata sumakit ulo ko sayo."
"Hala! FO na yan!" Patawa tawang sabi ni Chelle.
"Wag ka nga Chelle! Dun ka na nga muna kay Johnny diba sabi mo kanina nagugutom ka kaya shuuu alis!!"
"Ang harsh mo naman sakin Sheng! Makakain na nga muna, balitaan nyo ko pag FO na talaga kayo ha?" :))
"Chelle ha! Hindi yan nakakatuwa!!"
"Hehe! Joke lng naman! Osige na magusap na kayo."
"Ayun na nga besplen hindi ko talaga ginusto, late ko nadin nalaman. Maniwala ka sakin, pero wag ka magalala kasi my kapalit naman ako. Hehe!"
"Ha? Eh parang inulit mo lang yung sinabi mo kanina. Anong kapalit ba sinasabi mo? Kapalit san?"
"Sa project natin besplen! Sabi kasi ni ma'am exempted daw ako sa exam pati nadin si Jay dahil dun sa sinalihan naming quiz bee last week."
"Aahh.. Ok."
"Ha? Ok? As in ok lang sayo?"
"Hmmm.. Oo naman! Congrats pala!"
"Thank you! Pero ayos lng talaga? Promise?"
"Oo nga ayos lang sakin."
"Magpromise ka muna besplen."
"Luh! Ang kulit oh, oo na promise ayos lng sakin. Teka sino pala makakapartner ko niyan?"
"Yey! Thank you besplen! Wag ka magalala kasi babae yung makakasama mo, magpapalitan lng kami nung partner ni..."
"Ni Jay?!!" Noooooo!!
"Oo besplen! Para nga syang pinagsakluban ng langit at lupa nung kinausap kami ni ma'am. Hahaha! Tuwang tuwa pa naman yung nung napapayag niya si Shandy maging partner sabay ganon yung ngyare. Hahaha!"
Opo tama yung nabasa nyo. Si Shandy at Jay yung partners. Pero mukang kami na yung magiging magkapartner. Parang mabibiyak na ata ang ulo ko sa mga ngyayare. Gustong gusto ko na sya iwasan pero bakit naman ganto.
"Uyy.. besplen, bakit parang ikaw naman ata yung pinagsakluban ng langit at lupa ngayon? Ayos ka lng ba? Sobrang sakit ba talaga ng ulo mo?"
"Good morning! Sino masakit ang ulo?" Yung boses na yun, hindi ako pwede magkamali, nawala ata sakit ng ulo ko. Haaayy.. :)
"Hi Shandy! Good morning! Etong si Andy masakit daw ulo niya." Sabay lingon sakin. "Pero parang wala na ata nakangiti na ulit eh"
Ha? Nakangiti? Ako nakangiti? Ganon kalakas epekto nya sakin? Noooooooo
"Hahaha! Ang cute cute mo talaga Andybabe!!" Habang pinanggigigilan yung pisngi ko.
Feeling ko mas lalo pa namula yung pisngi ko hindi lang dahil sa pagpisil niya pati nadin sa pagtawag niya sakin ng Andybabe. Juskupo! Pano ko naman sya iiwasan kung ganyan!
"Hep hep! Tama na yan! Kawawa naman yung pisngi ng besplen ko sayo oh pulang pula na."
"Hehe! Sorry, nakakagigil kasi! Kiss na lang natin para mawala. Tsuuup!"
"Hala! Eh mas lalong pumula eh! Hahahahaha! Besplen ok ka lng?"
"Huwag nga kayong maingay! Masakit ang ulo ko! Tara na nga, pumasok na tayo sa room ang init dito oo tama mainit dito kaya namumula yung pisngi ko"
Jusko naman nakakahiya baka isipin nun may gusto ako sa kanya. Wala naman kaya. Maganda sya, mabait tapos pag nagsmile sya mahahawa ka din pero wala talaga akong gusto sa kanya!! Walaaaaaaa!!