Sino nga ba si Jess?

101 2 0
                                        

Andy

Smile lang natameme na ko. Ano ba yun? Palipat lipat ako dito sa higaan ko. Iniisip ko padin yung smile ni Shandy. Ano yun? Inlove na agad ako sa kanya?

Ano ba yan kakaumpisa pa lng nitong kwento ko inlove na agad ako, wala bang magkakadevelopan muna kami o kaya nman liligawan niya ko? hehe

Makapagfacebook na lng nga! 83 friend request. Scroll, scroll.. hala wala nman ako kilala sa mga to! Accept all na lng nga, pampadami ng friends. Hehe

Maya maya lng may ngmessage bigla, ang love of my life ko! si Jess!

["Beb! Balita ko may new classmate kayo? Tapos kamuka ko pa daw? Kwento!"]

Hala! Nalaman niya agad yun. Daldal talaga ng mga classmates ko.

["Eh hindi naman kayo magkamuka, sila lang nagsasabi. Para sakin ang layo, ganda mo kaya! Tapos sya cute lng! Hehe :)"]

["Eehhh? Cute sya para sayo? Baka mamaya makalimutan mo na ko ha. :( Kasi may bago ka na dyan."]

["Anong bago ko? hindi naman sya akin noh! Tsaka ayaw ko nga sya makaclose, gusto ko ikaw lng!" :)]

[" Kilig! Halika nga dito, kiss kita madami! :**** Haha! Beb out na pala ako ha, papasyal daw ako nla papa sa Eiffel tower mamaya! Excited na ko! Sana nandito ka din. I love you! i miss you!"]

[" Ok po, enjoy. I love and miss you too! Ingat kayo! :***"]

Hahy.. Miss ko na si Jess. Bakit ba kasi umalis pa sya. Edi sana masaya ako ngayon. Magkababata kaming tatlo ni John at Jess. Naalala ko na naman si John hindi ko talaga napansin na bading sya. Hindi bali, hindi rin naman daw niya napansin na bi ako! Hehe! Alam din ni Jess na bi ako at gusto ko sya. Sabi niya gusto din niya ko at mahal niya ko pero hindi kapantay ng pagmamahal ko sa kanya. Ok lng nman ang importante gusto nya ko at mahal din nya ko! <3

Maganda si Jess, tapos sobraaaaang bait pa! Kaya ko siguro sya nagustuhan! Hehe tsaka sya lng ata nakakapagpawala ng badtrip ko, parang magic lng! Hindi kami o hindi naging kami, sabi niya ienjoy lang namin na andito kami para sa isa't isa, na masaya kami. Pero pano kaya yun eh umalis na sya.

Nung summer lng sya umalis. At nalaman ko na aalis sya isang linggo bago yung flight niya. Nakakatampo pero wala akong magawa kasi isang linggo na lng nga sasayangin ko pa ba sa pagtaampo ko. Nasa Paris sya ngayon, dun kasi nagtratrabaho ung magulang niya at dun nadin sya magaaral ngayon. Hindi daw niya alam kung kelan sya babalik pero sure syang babalik sya para sakin! Hehe! Napapangiti na naman tuloy ako.

Araw araw kami magkausap ang hirap nga lng minsan kasi magkaiba kami ng time. Yan din dahilan kung bakit late ako kanina pagpasok, napuyat kasi ako kagabi. Magdamag kaming nagusap sa skype.

Hahy.. Iniisip ko pa lang sya napapangiti na ko pano na lng pag nakasama ko pa sya! Sana umuwi na sya agad.

Magout na sana ako sa facebook nung may bigla na naman ngmessage! Akala ko si Jess si Shandy lng pala. Teka! Shandy? Kelan pa kami naging friends?

["Hello! Shandy here. Thank you sa accept! :)"] ahh baka isa sya sa mga nagsend ng friend request kanina.

At sinendan ko lng sya ng Like button! Snob kunwari. Ok na yan kesa maseenzone ko sya! hehehe

Tinignan ko yung timeline niya. Ano ba to puro picture naman niya. Malamang! Kanya to eh. Magulat ka pag puro picture mo andyan, sabi ng utak ko. Hahaha

Photogenic din pala sya, kaya lng ang korni nung mga caption. Pangbroken hearted! Buti na lang ang ganda niya magsmile, ang lakas maka good vibes!

Ayy, ano ba tong sinasabi ko? Nafafall na ba ko sa kanya? Hindi pwede, si Jess mahal ko ee. At hihintayin ko syang makabalik!

Love me backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon