Simula

53 2 0
                                    



Prolouge

"Are you going home? Sa Amadeo?"

Sandali kong itinigil ang pagi-impake ko ng gamit at tumingin sa kuya ko. 

"Yes, kuya." At muli kong ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Why, Yana?"

"You know why." I said, not looking back at him.

May isang tao akong pinangakuan. I was four years old when I met him. Hindi ko na matandaan ang pangalan niya! And I couldn't even remember his face clearly. It's been thirteen years since I left the orphanage.

Nang matapos kong ayusin ang gamit ko, naupo ako sa gilid ng aking kama. Muli akong nagtapon ng tingin sa kuya ko. Kunot-noo lang siya habang nakahalukipkip at nakahilig sa pinto ng kuwarto ko.

"Again, why?"

"Anong bakit? Kailangan ba ng matinding dahilan para lang payagan mo ako, kuya?"

Lumapit siya at naupo sa tabi ko.

"You don't have to do this."

"I have to, kuya."

Hindi lang naman iisa ang dahilan ng pag-uwi ko sa Pilipinas. Gusto kong dalawin iyong ampunan. 

"Gusto mong bumalik sa ampunan?"

"No. I just want to visit the place."

Lumaki ako sa orphanage dahil buong akala ko ay wala akong mga magulang. Wala pa akong muwang nang iwanan nila ako sa ampunan. Isang araw nang dumating noon ang nagsasabing sila daw ang mga magulang ko. Hindi ako naniwala hanggang si Sister Therese na ang nag-sabi at nagpa-intindi sa akin ng totoo. I've asked them the reason why, pero hindi nila sinabi sa akin. They said they had to do it for my own sake. I was four years old noong kunin nila ako sa ampunan.

Tumayo ako pero saglit akong natigilan nang dahil sa sinabi niya.

"Hanggang ngayon ba galit ka pa din sa mga magulang natin?"

Galit na tiningnan ko siya. "Shouldn't I be?"

"Yana, it's been thirteen years!!"

"Wala akong kaalam-alam pa sa mundo nang iwan nila ako doon, kuya! Are you expecting me to be happy dahil kinuha niyo ako sa ampunan?" Pasigaw na sabi ko.

Namuo na ang luha sa mata ko. Huminga ako ng malalim. Lalabas na sana ako ng kuwarto ko ngunit maagap na nahawakan ni kuya ang braso ko.

"Yana, maupo ka."

Naupo ako pero nakatingin lang ako sa sahig ng kuwarto ko. I am not in the mood to talk. Gusto ko lang ay ang umalis na dito.

"Yana, kuya mo ako."

He's four years older than me. "Then come with me. Ayokong sina mama at papa lamang ang kasama ko sa bahay. You know I don't talk to them often."

Totoo iyon. Hindi ko masiyadong kinakausap ang mga magulang ko dahil masama pa din ang loob ko. Hindi ko alam kung mapapatawad ko ba sila sa ginawa nilang pag-iwan sa akin.

Tumango siya. "Okay, I'm coming with you, but in one condition..."

Tiningnan ko siya. "Ano?"

"Magulang natin sila, Yana. Ipakita mo iyon sa kanila."

Napalunok ako. Hindi kaagad ako nakasagot. Huminga ako ng malalim. Inayos ko iyong ilang hibla ng buhok na nagkalat sa mukha ko.

Tiningnan ko siya saka tumango. "Deal."

Kaagad na tinawagan ni kuya ang parents namin na naninirahan sa Pilipinas. Ipinagpaalam nito na sasama na siya sa akin pauwi. Magre-rent lang sana ako ng apartment kung hindi sasama sa akin si kuya pauwi sa Pilipinas. Hindi ko yata kaya tumira sa iisang bahay kasama ang mga magulang ko, na ako lang ang kasama nila at wala ang kuya ko. I am not comfortable when they're around. Hindi ako sanay.

Madali para sa akin ang makasundo ang kuya ko. He doesn't even know I exist in the very first place. Nalaman na lamang niya na may kapatid siya nang kuhain ako nina mama sa ampunan. He was so mad nang malaman niyang mayroon siyang bunsong kapatid. Hindi dahil sa ayaw niya, kundi dahil bakit hindi niya alam na mayroon.

Pero sobrang dali para sa kanya ang patawarin ang mga magulang namin. Halos isang buwan lang yata siyang nagtampo sa mga magulang namin. Pero ako? Simula noong kinuha nila ako sa ampunan, hindi ko pa din sila napapatawad. Labin-tatlong taon na ang nakalipas, pero heto pa din ako, sobrang sama ng loob sa kanila.

Tinanggal ko ang suot kong shades nang makatapak ako sa NAIA. Inilibot ko ang paningin ko sa buong airport. Bumuntong-hininga ako.

"Mama called. Nagpa-handa daw siya ng pagkain."

Nilingon ko ang kuya ko na nasa tabi ko. "So?"

"Stop being so childish, Yana." Inunahan na niya ako sa paglalakad.

Napairap na lang ako at sumunod sa kanya. Tanghali na nang makarating kami sa Amadeo. Sa malalaking puno at malinis na daan nakatuon ang mata ko. Hindi na pamilyar sa akin ang lugar na ito. I was born here, but wasn't raised here. 

This place is relaxing. Hindi katulad sa siyudad na puro usok. Mukhang malamig at masarap ang simoy ng hangin dito. May ilang buildings na din ang nakatayo. Wow, this province is kind of beautiful, huh?

Makikita ko pa kaya rito ang hahanapin ko? Damn it. Ang hirap kapag hindi ko na tanda ang lahat sa kanya.

"Yana!"

Boses iyon ni mama. Tiningnan ko lang siya. No reactions at all. Nakangiti siya sa akin. Parang may kung anong mabigat sa dibdib ko. Nag-iwas ako kaagad ng tingin.

"Hi, 'ma." Walang-ganang hinalikan ko siya sa pisngi.

"Naghanda ako ng pagkain para sa inyo ng kuya mo. Alam kong gutom ka na."

No. You don't know everything about me. You don't know me at all.

"Yana, give me your things. I'll bring it to your room."

Iniabot ko kay kuya ang dala kong maleta at travelling bag. Tiningnan ko si mama na hanggang ngayon ay nakatitig pa din sa akin. Why the fuck is she smiling?

"What?"

Her smile dropped. I saw sadness and pain in her eyes.

"Kumain ka na." She said, smiling a little. 

"I am not hungry. Mamaya ako kakain kapag kakain na din si kuya. Wala akong kasabay." I rolled my eyes at her. 

"Don't you want me to eat with you, anak?"

Nag-iwas ako ng tingin. Bakit ba ganito siya? Napalunok ako. Nilampasan ko siya at nagtungo na ako sa hapag-kainan. Ang daming pagkain na inihanda ni mama. Fiesta ba?

"Inihanda ko yan para sa'yo. Ako ang nagluto."

Biglang sumulpot si mama sa tabi ko. Hindi ako sumagot. Naupo ako at kumuha ng pinggan. Hindi ko na siya tiningnan uli.

"I will just call your kuya para makakain ka na."

Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang makaalis na siya.

"Ma, where's dad?" Tanong ni kuya nang kumakain na kami.

"Nasa orphanage. May feeding sila ngayon para sa mga bata. Kasama niya dapat ako kaya lang darating kayo kaya hindi na ako sumama." Tumingin siya sa akin. "You should visit the orphanage, Yana."

"I know. Sila ang nag-alaga sa akin kaya dadalaw talaga ako."

"Yana! Your mouth!" Pasigaw na sabi ni kuya.

"I'm done." Sabi ko, at umalis na sa hapag.

Missing PieceWhere stories live. Discover now