"Bryana!" Kaagad na sinugod ako ng yakap ni Sister Therese nang makita niya ako. Napaluha siya habang tinititigan ako. "Akala ko hindi na kita makikita."
"Hindi ko po hahayaan na mangyari iyon."
Ngumiti ako sa ibang madre na naroon sa likod niya. Iyong iba ay hindi pamilyar sa akin, pero yung iba ay natatandaan ko pa. Sa lahat ng madre dito sa orphanage, si Sister Therese ang pinaka-kasundo ko at siya ang nag-alaga sa akin.
Muli kong niyakap si Sister Therese. "Namiss ko po kayo." Sabi ko. Matanda na ang itsura niya ngayon pero bakas pa din ang kagandahan sa mukha niya.
Sinamahan niya akong maglakad-lakad sa buong ampunan. Madaming nagbago. Mas lalong dumami ang mga maaaring pag-laruan sa playground na nasa malaking bakuran ng ampunan. Napangiti ako nang masilayan ang mga batang naglalaro.
Naalala ko ang sarili ko noon habang tinitingnan ko sila. This playground was my favorite place way back then. Palagi akong naglalaro dito kahit na mag-isa ako.
"Mas maraming bata ngayon dito, hija."
"Oo nga po. Nakikita ko po ang sarili ko sa kanila." Sabi ko habang nananatiling nakatingin sa mga batang naglalaro. Inilibot ko ang mata ko hanggang sa napako ang tingin ko sa nag-iisang batang lalaki na nakatingin sa kawalan. "Sino po siya?" Tanong ko kay Sister, sabay turo sa batang lalaki.
"That was your favorite spot, Yana. Siya si Marko. Tahimik ang batang yan. Minsan lang siya makipag-laro sa mga bata na narito. Oh siya, maiwan muna kita." Ani Sister Therese at umalis na.
Napakunot-noo ako at pilit na inaalala ang nangyari noon. Yes! Iyong kinauupuan ng batang lalaki ang lugar kung saan ako palagi nakaupo at naglalaro. That was the spot where I met him!
Sinundan ko na lang ng tingin si Sister Therese. Nang mawala na siya sa paningin ko, ibinalik ako ang tingin sa batang si Marko. Lumapit ako at naupo sa tabi niya.
"Hi, little boy!" Masiglang bati ko.
Tumingin siya sa akin. Hindi siya nagsalita, nakatitig lang siya sa akin.
"Ikaw ba si Marko?" Ngumiti ako.
Tumango lang siya.
"Bakit ka mag-isa dito? Ayaw mo bang makipag-laro sa kanila?"
Umiling siya. "A-ayoko po."
Nanlambot ang puso ko sa boses niya. Napalunok ako. Ganito din ako noon. Mag-isang naglalaro. Tumayo ako at pumunta sa harap niya. Lumuhod ako sa damuhan. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya at tinitigan siya.
"Bakit naman ayaw mo?"
Hindi na naman siya nagsalita. Ngumiti ako at niyakap siya. Ang gaan ng loob ko sa kanya. Nagulat ako nang maramdaman kong humahagulgol siya.
"Marko! Bakit ka naiyak?"
"Nami-miss ko na po ang nanay at tatay ko. Pina-ampon po nila ako dito kasi wala kaming pera. Hindi na daw po nila ako kayang alagaan."
Kumuha ako ng tissue sa bag at ipinunas ko sa mukha niya. Muli ko siyang niyakap. I know that feeling, Marko.
"It's okay. Wag kang mag-alala, Marko. Pupunta ako dito uli at maglalaro tayo, okay? Ako muna ang magiging mama mo." Nakangiting sabi ko. "Para hindi ka na malungkot."
Umaliwalas ang mukha niya. "Talaga po?"
I wiped his tears using my thumb. "Oo naman."
Saka na ako magtatanong kay Sister Therese about sa nakilala ko noon. Siya ang nag-alaga sa akin, kaya sigurado akong may alam siya about doon.
YOU ARE READING
Missing Piece
RomanceBryana Layne Mendrez didn't know anything about her whole life. Ang bukod tanging alam niya, her parents left her at the orphanage when she was a baby. Apat na taong gulang siya nang kunin siya ng mga ito at dalhin sa America. Bumalik siya sa Amadeo...