2

23 2 0
                                    


"Are you sure you're going to be okay?"

Tumango ako. "Yes, kuya. Bagay ba sa akin itong uniform? Hindi ba ako mukhang jologs?"

Tumawa siya. "No. Actually, mukha kang mabait."

Inirapan ko siya. Humalik ako sa pisngi niya tapos bumaba na ako ng sasakyan. Inayos ko ang uniform ko at huminga ng malalim. Ngayon ang pasukan at kinakabahan ako dahil wala pa akong kakilala dito. I don't even know if I will have one. Unang taon ko ito sa kolehiyo. Panibagong aral na naman. Senior high student kasi ako sa America.

Hindi naman malaki ang Amadeo Community Institute pero nahirapan pa rin ako hanapin ang unang room ko. Wala pang professor nang makarating ako sa room. Sa akin kaagad napatingin ang mga kaklase ko. Ako lang siguro dito ang bagong mukha kaya ganito ang tingin nila sa akin. Naiintindihan ko sila dahil sa America ako lumaki at hindi rito. Halos lahat ng babae ay nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin.

Hindi ko na lang pinansin iyon. Naupo ako sa pinakalikod. Tutal wala pa naman akong kakilala ni isa kanila kaya dito na lang muna ako. Unless, magkaroon ng seating arrangement. Introduction to Economics ang unang subject ko.

"Hi!"

Biglang sumulpot sa tabi ko itong babaeng singkit na hanggang leeg lamang ang haba ng buhok. She's cute. She has a fair skin. Nakangiti siya sa akin.

I smiled back. "Hello,"

"My name si Enah Marie." Nag-lahad siya ng kamay.

"Bryana Layne Mendrez." I accepted her hand. "Just Yana."

Napakunot-noo siya habang nakatingin sa akin. "Hindi pamilyar ang mukha mo. Dito ka ba talaga nakatira?"

"Oo. Pero sa America ako lumaki."

Tumango siya. "Kaya pala sobrang ganda mo."

"Hindi naman." Tumawa ako.

"Gusto mong kumain? Hindi talaga napasok ang mga professors kapag first week ng school. Kaya halika na! Sa canteen tayo!"

Hinigit niya ako patungo sa canteen.

Okay, I think I'll have one.

Dahil nga first day of school, maraming tao sa canteen. Naupo na kami. Inilibot ko ang mata ko. Sana wala dito yung mga bastos na lalaki. Napairap ako nang maalala ko yung nangyari last week. Ha! Dapat lang sa kanya ang masuntok!

"Omg! Si Zell!" Biglang kinilig si Enah.

"Who?"

"Si Zell Fuego, pinsan ko." Itinuro niya sa di-kalayuan ang lalaki kasama ang mga kaibigan nito.

Awtomatikong umangat ang kilay ko. "Anong meron sa lalaking iyan?"

"The hottest guy here!"

Napangiwi ako sa itsura ni Enah. Tumingin na din ako. Nang makita ko siyang ngumiti, biglang bumilis ang pintig ng puso ko. What the fuck? Nag-iwas ako ng tingin.

"Ang guwapo ng pinsan ko 'no?" Kakaibang titig ang ibinigay niya sa akin, it was like she's reading my face.

Inirapan ko si Enah. Pasimple akong sumulyap kay Zell. Pinaglalaruan nito iyong hawak na bottled water. Damn! He was such a beautiful sight. Mas guwapo siya kapag seryoso ang mukha niya.

Napakunot-noo ako at inalis ang tingin kay Zell. Am I fantasizing that guy? Bumaling ako kay Enah. I caught her staring at me.

"Laway mo, 'te." Biglang sabi niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 19, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Missing PieceWhere stories live. Discover now