Chapter 03

35K 501 7
                                    

Chapter 3

Medyo late na akong nagising. Wala akong kahit anong maramdaman kundi kaba. Kinakabahan ako dahil baka pagpasok ko ng opisina ay tignan nila ako at pagusapan, if ever na sinabi man ni Mr. Hidalgo ang nangyari kahapon.

But then, he deserves it! He's a fucker, at wala siyang sinasanto mailabas lamang ang init ng katawan niya! He's terrible.

Naligo na ako at nagbihis ng usual kong ayos sa opisina. Bago ako umalis ng bahay, at nagdala ako ng katamtamang laki ng office box, baka sakaling pagdating ko doon at sesante na ako. Para diretsong kukunin ko nalang ang mga gamit ko na nasa table ko.

I inhaled and exhaled before going inside our quarters. In my own shock, ganoon pa rin na busy ang mga tao. Tinignan ko ang glass door ng silid na office ni Mr. Hidalgo.

As if nothing happened at all. Wala siyang sinabi o ikinalat sa mga tao dito?

"Ayuna! Nako! Ang daming gagawin, at ngayon ka pa nagpalate! Pumunta ka raw sa office ni Sir!" Nagmamadaling sabi ni Desy.

Wala sa sariling tumango nalang ako.  Naglakad muna ako patungo sa table ko saka nilapag ang mga dala kong gamit at nakita ko ang isang chrysanthemum sa gilid ng desk ko.

Kumunot ang noo ko. Kanino galing ito?

I picked up the flower, at nakita ko ang isang maliit na papel sa pinaglapagan ng bulaklak.

"Yellow flowers symbolizes apology. Please accept this."  -N. S. H.

Nang mabasa ko iyon ay agad na pumasok sa utak ko ang buong pangalan ni Mr. Hidalgo, It is Nate Sedric Hidalgo. At ang initials niya ay nandito.

Does it mean, he gave me this? Pero bakit naman? Iniling ko nalang  ang mga iniisip ko at pumasok sa office niya dala ang bulaklak at ang sulat.

"Good Morning, Sir." Nakayukong bati ko sakaniya.

"Morning," he replied. "Please take a seat," turo niya pa sa upuan sa harap ng table niya.

Umupo ako at tinignan siya. He's looking on the flower I am holding.

"U-Uh, thanks dito. Sorry pala-" natigil ako sa pagsasalita nang sumabat siya.

"No. I should be the one saying that." Seryoso niyang sabi. "I apologize for what I did yesterday." He sincerely said.

Lumambot ang kaniyang mukha, at mas lalo akong napatitig dito. He's handsome, at parang may halong ibang lahi.

"Tumatak sa isip ko ang mga sinabi mo kahapon," kuwento niya.

Matiim lang ako nakikinig at tinitignan siya.

"You're the first one who did and said those words to me," he smirked habang napasandal sa kaniyang swivel chair saka napahawak sa baba niya.

Parang may kung anong epekto sa akin ang kaniyang ngisi. Ngunit hindi ko ito magawang maipaliwanag.

"You're a feisty and self-asserted woman," aniya. "And I like that kind of woman," tila nangilabot sa akin ang sinabi niya dahil sa malalim niyang boses at may kasama itong nakakalokong ngiti.

Parang may kuryenteng gumapang sa buong katawan ko, at nanindig ang mga balahibo ko. What's happening with me?!

"Damn woman, you hit me up unintentionally." He said na para bang hindi makapaniwala, habang napasuklay pa siya sa buhok niya.

Romance with my Boss (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon