NURSE (Chapter 1)

10.9K 257 55
                                    

                             ANG BABALA

Malayo ang tingin ni Cecile mula sa bintana ng hospital na kanyang pinapasukan dahil iniisip niya na lumipat na lamang ng hospital dahil lagi na lamang siyang pinag iinitan ni Dr. Morales .pero iniisip rin niya na mas mahihirapan siya sa pag byahe kung sa kabilang bayang hospital siya lilipat.natigil lamang siya ng marinig ang boses ng kanyang ka trabaho na si Lily.

"Cecile! Nariyan ka lang pala, kanina kapa hinahanap ni Dok Morales naroon siya sa E.R "

"O sige papunta na Ako salamat Lily"

Pagkuway nagtungo na siya sa E.R

"Dok tawag nyo daw po ako sabi ni Lily"

"Tapos na! Hindi na kita kailangan dito! Pwede ba sa susunod ayusin mo trabaho mo!"

Padabog na wika ni Duktora Morales habang inililigpit ang mga kagamitang para sa operasyon.

"Pasensya na po Dok nag coffee break po kasi ako"

Mahinang wika ni Cecile

"Abay sumasagot kapa! Listen to me Cecile, itatak mo sa makitid mong kukote wala akong pakialam kahit mamatay ka sa gutom o hindi ka makakain basta gawin mo yung propisyon na pinili mo!
Anong klaseng Nurse ka! Uunahin mo pa yung kalam ng sikmura mo kahit na mamatay ang pasyente mo!?"

Nakaramdam ng hiya si Cecile sa mga sinabi ni Doctor Morales.ang lahat ng pasyente sa silid na iyon ay nakatingin kay Cecile.alam niya sa sarili na malaki ang galit ni Doktora Morales sa kanya dahil mas may atensyon ang director ng hospital na si Noel Ayala kay Cecile.nasa edad na apat na put lima si Noel pero tila bata pa ito dahil sa makisig nitong pangangatawan.

NURSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon