PANGALAWANG HUKAY

3.8K 129 16
                                    

Tahimik na binabaybay nina Cecile at Donna ang daang madilim.wala sa isip ni Cecile kung saan siya dadalhin ni Donna.maya maya pay napakunot ang noo ni Cecile ng mapansing tila iba na ang daan patungo sa bayan.muli siyang napatanong.

Dok hindi bat hindi ito ang daan patungo sa bayan?
At bakit ho dito tayo dumaan?

Pagtatakang tanong niya.
Huminga muna ng malalim si Donna bago nag wika.

Bakit ba ang dami mong tanong Cecile? Hindi ka na lang maghintay.
Of course kaya ito ang pinili naming meeting place para na rin sa kapakanan mo, para hindi ka makita nila Noel.hindi bat alam nila ay patay kana?

Pasensya na ho Dok.simula kasi ng may mangyari sakin ay takot na ako sa madilim na lugar.

Sa mahabang diskasyon ng dalawa ay huminto na ang sasakyan sa tapat ng isang bahay na tila bodega.madilim ang paligid.tanging ang ilaw lang mula sa lumang bahay ang nag bibigay liwanag kapaligiran. Bumaba na si Donna ngunit nanatiling nasa sasakyan si cecile.iginala niya ang kanyang mga mata.tila pamilyar ang lugar para sa kanya.
Nakaramdam ng kaba si Cecile.nanlamig ang buo niyang katawan ng makita ang lugar.

Cecile,ano pa ang hinihintay mo!? Bumaba ka na riyan,nag aantay ang mga magulang mo sa loob.

Pero Dok, alam ko ho ang lugar na ito.

Ano bang pinagsasabi mo Cecile,bumaba kana nga riyan.

Pagkuway pumasok muli si Donna sa loob ng sasakyan.

Bakit ba ayaw mong bumaba,baka mamaya nariyan na ang mga magulang mo.

NURSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon