Author’s POV
By the way I would like to say thank you @MiarraMaeMindanao for voting my story. You make me inspire kaya nagawa ko ito kasi when I was a child i love to write stories because I promised to myself that i will be a good writer.
In this chapter, makikita niyo kung anu-ano ang mga gagawin ni Kahlil sa panliligaw niya kay Mitch, Let’s find out here in this chapter!
Kahlil’s POV
After ng ilang araw na pag-absent ko sa school para bantayan si Mitch sa Hospital ay napag-pasiyahan na ng mga doktor na payagan na siyang pumasok at lumabas na ng hospital. Nandito ako ngayon sa School, at ngayong araw ko siyang binabalak na ligawan. Alam kong hindi pa ito ang tamang oras para gawin ko iyon dahil kakahiwalay pa lang nila ni Tristan.
“SCHOOL GROUNDS”
“Mitch, pwede ba akong manligaw?” sabi ko pagtalikod at nagulat ako dahil nasa likod ko na pala siya.
“Mitch?!!” gulat na tanong ko sa kanya at halatang natatawa siya sa pagkagulat ko.
“Oh bakit?! Gulat na gulat ka ata ah?!” sabi niya sa akin habang tawa siya ng tawa.
“M-mitch, k-kanina k-ka pa b-ba d-diyan?” nauutal na tanong ko at dahil na rin sa pagkagulat ko ng makita ko siya sa likuran ko.
“ Oo, hahaha!! Nakakatawa ka Kahlil, para kang ewan diyan.” Sabi niya sabay akbay sa akin. At dahil medyo matangkad ako sa kanya kailangan pa niyang tumingkayad para lang maakbayan ako.
“N-narinig mo lahat ng SINABI KO” pasigaw na tanong ko! Grabe kinakabahan na ako! Lord wag po sana.
“A-ah yung, pwede kang manligaw?! Hahaha” natatawa na sagot niya.
“Mitch, seryoso talaga ako.Gusto kitang ligawan. Matagal ko na dapat itong ginawa, at dahil bestfriend ko si Tristan ay hindi ko ginawang ligawan ka dahil mahal mo siya. Pero ngayon, sana pagbigyan mo akong ipakilala ang sarili ko sayo at bigyan mo ako ng chance para mapatunayan na hindi ako katulad ni Tristan.” Patulo na sana ang luha ko kaso pinunasan ko kagad dahil ayokong makita niya akong umiyak at mas kinagulat ko ng halikan ako sa labi ni Mitch.
“Pumapayag akong ligawan mo ako, Kahlil. Pero sa ngayon, gusto ko munang magkakilanlan tayo ng maayos. Ayokong gawin kang panakip-butas lang.” Sabi ni Mitch habang pinupunasan ang mga luha ko at sabay ngiti siya sa akin.
“ Maraming Salamat sayo, mitch dahil pinagbigyan mo ako na maipakilala ang tunay na ako.” sabay yakap ko sa kanya at siyempre kinagulat ng lahat ng nandun iyon.
Mitch’s POV
Hayy... ang saya ng araw ko kasi magkasama kami ni Kahlil magdamag at syempre pumunta kami sa mall para mag-lunch. At syempre nalaman ko na ang kinainan namin na Restaurant ay pag-mamay-ari pala ng pamilya nila.
--Flashback—
“Wow... ang ganda naman dito, kahlil!” sabi ko sa kanya ng pumasok kami sa isang magarang restaurat sa mall.
“Syempre naman, at dahil espesyal ka sa akin, nagpaluto ako ng ma paborito mong pagkain.” Sabi niya habang hawak-hawak ang kamay ko.
“does it mean, inyo itong estaurant?” tanong ko sa kanya at kung alam niyo lang ang itsura ko.. hahaha! 0___0 OMG! 0__0
“ oo, amin itong restaurant na ito. Mga 5 yrs. Na ito since binili ito ng mommy ko para sa akin.” Nakangiting sabi niya.
--End Flashback—
“ hayy, sana ganito na lang palagi. Masaya, walang stress at higit sa lahat kasama ang isang taong pinaka-importante sa akin, Si Kahlil.” Sabi ko, habang kausap ko ang salamin. =)) hahaha
________________________________________________________
Author's POV
thanks po kay @myla25 for being a fan. :)
Hindi po mahaba ang update kasi may gagawin pa po ako.. Ingat po kayong lahat! :)
BINABASA MO ANG
You and I (Completed)
Teen Fictionlike a moth to a flame no matter how cliche this may sound I still couldn't help but get close to you even if it means I might get burned soon..