Bryan Alfred Donoso

2.7K 15 2
                                    

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall written are all fictional.

All rights reserved. 2013.

Change of Heart

Written by: Rainyaneeena

Started on: December 18, 2013 // 9:00PM

***

BRYAN ALFRED DONOSO

Mula pagkabata hanggang paglaki ay kilala ko na ang sarili ko. Kahit kailan ay di na ako naguluhan sa kung ano nga ba talaga ako. Mula sa malamya kong kilos hanggang sa pagkahilig ko sa mga pambabaeng bagay ay naisapuso ko na sa aking sarili. Tanggap ko na kasi talaga kung ano ako. 

Isang ako sa mga taong sinasabi nilang salot sa lipunan. Isang taong hindi raw anak ng Diyos sapagkat dalawang klase lamang ng tao ang kanyang inilikha. Isang taong makasalanan sapagkat ang kanyang gusto ay ang kapwa niya lalaki.

In short, BAKLA AKO.

Mali naman kasi ata ang pagkagawa sakin. Babae naman kasi ako. Isa akong babaeng na-trap sa katawan ng isang lalaki. Minsan nga naisip ko, siguro sa dati kong buhay, ang dami kong naging kasalanan. Kaya siguro ako pinaparusahan ng ganito.

Pero mali ako. Dahil mas mabigat pa pala ang parusang naka-abang sa akin. At iyon ay ma-inlove sa kaklase ko. 

MAHAL KO SI CHRISTINE.

Hindi ko alam kung anong nangyari. Ni hindi ko nga alam kung bakit humantong ang nararamdaman kong to sa ganitong sitwasyon. At naguguluhan na ako. Mali to. Maling-mali to. Dahil bakla ako. At babae siya. 

Pero handa akong magpakalalaki para sa kanya. Handa akong ituwid uli ang landas na tinatahak ko. Handa akong magsimula uli sa starting line at hinding-hindi na liliko ng daan. Para sa kanya, para sa babaeng mahal ko.

"You made the impossible possible. I'm falling. Please catch me. Mahal kita Christine."

Ang hirap magmahal ng isang babae lalo na't pinangarap kong maging katulad niya dati. Will she ever consider my change of heart?

***

// THIS STORY IS INSPIRED BY THE STORY OF ONE OF THE STUDENTS IN UST WHO POSTED IN THE UST FILES PAGE. //

Change of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon