// [1]

347 7 0
                                    

Change of Heart

Written by: Rainyaneeena

Published on: December 23, 2013 // 1:00AM

***

--- CHAPTER ONE ---

"Bryaaaaannnnnn! Male-late ka na anak! Bilisan mo na dyan!"

6:50am na. Ano ba yan. Male-late na nga ako. Kainis. Kelan ka pa naging late ha?! Nanuod-nood pa kasi ako ng Running Man kagabi. Ayan tuloy, late na ako nagising. Aish. 

"Opo ma!" sigaw ko pabalik. "Pababa na po ako."

Agad-agad kong kinuha ang bag ko at nagsapatos na. Di ko nga pala na-check yung mga gamit ko sa bag. Baka may naiwan ako. Hayyy. Bahala na nga.

"Ma, alis na po ako." paalam ko.

"Ihahatid na kita." singit ng isang boses.

"PAPA?!" gulat kong tanong.

Andito na si Papa? Kelan pa?

"Naka-uwi na po pala kayo?" tanong ko.

"Kaninang madaling araw lang. Halika na, ihahatid na kita."

"Sigurado po kayo? Baka po pagod pa kayo." tanong ko.

Si Papa kasi ay isang sundalo. Lagi siyang nadidistino sa ibang lugar. Minsan pa nga, umaabot siya ng Mindanao. Depende sa kung saan siya ipinapadala.

"At sigurado ka bang hindi ka mas male-late sa pagtatanong mo?" singhal niya.

Ahy oo nga pala. Late na ako. Wag ng mag-inarte Bree! Gora na!

"Tara na Pa. Late na po ako." akay ko kay Papa papuntang sasakyan.

WAAAHHH! 7:01am na. Wala na. Late na talaga ako. First day na first day ng second semester, late na agad ako. Ayaw na ayaw ko pa namang nale-late. :(((((

"Bryan, anak." tawag ni Papa habang nagmamaneho.

"Bakit po?"

"Alam ko naman na kung ano ka." malumanay na sabi ni Papa. "At alam kong kasalanan ko rin naman kung bakit ka nagkaganyan."

Tsk. Masama kutob ko dito ah. Parang may something.

"Papa naman. Kung makapagsalita kayo parang may nakakahawang sakit ako o di naman kaya eh mamamatay na."

"Ikaw talagang bata ka. Ang hilig mong magbiro." sabi niya. "Alam mo naman na tanggap ko na kung ano ka diba?"

"Opo." sagot ko. "At salamat din po."

Malaki talaga ang pagpapasalamat ko sa pamilya ko lalung-lalo na sa Papa ko. Syempre, bilang isnag sundalo, natural lang dapat na mahigpit siya sakin bilang isang lalaki. Iniisip ko nga, dapat minamaltrato na ako ni Papa. Pero never akong sinaktan ni Papa para lang maging lalaki ako. Never niya akong pinilit. Instead, tinanggap niya kung ano ako.

"Alam kong malapit kayo ng anak ni Armando." giit niya. "Pero anak, diretsurhin mo nga ako. Anong namamagitan sa inyo ni Gino?"

BWAHAHAHAHA! Sobrang natawa ako sa tanong ni Papa. Anong tingin niya, na may something samin ng bestfriend ko? No way! Over my dead sexy body! >:DDDD

"Pa naman! Si Gino talaga?!" natatawa kong tanong sa kanya.

"Bakit? May nasabi ba akong mali?" naguguluhan niyang tanong.

Papa naman kasi. Sa lahat ng pwede mong pagdudahan. Si Gino pa talaga? Kami pa talagang dalawa? Ang laking joke nito ah.

"Papa naman! No way! Tsaka isa pa, lalaki yun noh. As if naman papatulan ako nun. At kahit pa maisipan niya yun, eh hinding-hindi ko siya papatulan!"

"Mabuti naman kung ganun. Akala ko kasi - "

"Bakit niyo naman kasi naisip na may something samin ni Gino?"

"Dati ko pa kasing napapansin yung kakaibang closseness niyong dalawa. Tapos nung tinanong ko Mama mo eh ganun din napapansin niya. Pati na rin mga kapatid mo. Ts - "

"Bestfriend ko po kasi si Gino. Kaya po masyado kaming close. Tsaka kami na nga lang magkaibigan, di pa kami magiging close."

"Ganun ba." sabi ni Papa. "Pasensya ka na. Medyo na - "

"Pa, wag kayong mag-alala." ngiti ko kay Papa. "Bading po ako pero alam ko naman po yung limits ko. Hindi po ako tutulad sa ibang bading na magsusuot ng napaka-iksing damit at magpapabago ng katawan. Masaya naman po ako ngayon sa takbo ng buhay ko." 

"Alam ko yun anak. At tanggap ko na rin kung ano ka." seryosong sabi ni Papa. "Pero, wala na ba talagang pag-asang magbago ka pa?" 

Hanggang ngayon pa rin ba eh umaasa si Papa na babalik ang unico hijo niya? Pa naman, babae po ako! Babae ang puso! :)

"Pa, sorry talaga. Alam ko naman pong disappointed kayo lalo na't nag-iisang lalaki ako. Pero wala talaga eh. Ganito po talaga ako. Bakla po talaga ako."

Ngumiti si Papa sakin ng matamlay. Hayyyy. Disappointed na naman si Papa. Wala naman kasi talaga akong magagawa. Ganito ako eh.

"Sige na nga anak. Kung saan ka masaya, susuportahan kita." sabi niya. "Ayan. Sige na, late ka na."

"Thank you po Pa. Sige po. Bye." Paalam ko at dali-daling tumakbo papuntang classroom ko.

I'm sorry Papa. Pero wala eh. Bakla po talaga ako. At hinding-hindi na po ako magbabago.

***

Change of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon