// [3]

263 6 0
                                    

Change of Heart

Written by: Rainyaneeena

Published on: December 23, 2013 // 3:00PM

***

--- CHAPTER THREE---

"Hi." sabi nung babae sabay extend nung kamay.

Ngumiti ako sa kanya at kinamayan rin siya. 

"Hello. Nice to meet you." sabi ko.

"Ah. Pasensya na sa istorbo. Pero kailangan lang talaga."

"Okay lang." sabi ko.

"Ano nga pala yun?" tanong naman ni Gino.

"Ah. Kasi Gino, pinapatawag ka nga pala ni Maam Santil. Pumunta ka raw sa Guidance Office ngayon na."

Tsk. Ano na naman kayang ginawa nito at napatawag sa Guidance? Hayyy nako.

"Ah. Ganun ba. Sige, Bryan, mauna na muna ako." Paalam ni Gino.

"Okay, sige. Kita nalang tayo mamaya." sambit ko.

"Geh. Salamat ulit Christine. Bye!" sabay takbo ni Gino papuntang Guidance Office.

"Sige, mauna na rin ako." paalam ng babae at umalis na.

Nagsimula na rin akong maglakad papuntang library. Perfect place to make tambay dun. Aircon na, quiet na at marami ka pang papa na makikita! Hihihi. :)))

"Bryan!"

OhMyGhad. Tinawag ako ni George. OhMy Papa George! Yes? Hihi. Landi ko talaga.

"Yes?" sabi ko with matching beautiful eyes.

"Ah. Nahihiya ako eh."

"Naku, wag ka ng mahiya sakin George. Magkaibigan naman tayo diba?" sabi ko.

"Talaga?" ngiti niya.

"Oo naman. Kaw pa. Malakas ka sakin eh." ngiti ko pabalik.

ANG LANDI KO! GRABE! PERO WAPAKELS. WHAHAHA.

"Bree, patulong naman ako oh." sabi niya.

EhMeeGheed. As in EhhMeeGheed. Naalala niya pa ang girl name ko na Bree. It's like I wanna make sabog na because of kilig! Hihihi. EhMerGheed. I'm like so conyo. HAHAHA.

"Ah. Sure. Ano yun?"

Syempre, oo na ako agad. Haleerrr. Crush ko kaya to noh. Papaness to the highest level tong si George. Di ko to matatanggihan.

"Bumagsak kasi ako sa algebra eh."

Awwwww. Bakit babe? :D

"Bakit? Anong nangyari?"

"Failure due to absences."

Palagi ba tong absent? Parang hindi naman ah. Oh well Samuel. Baka di ko lang napapansin.

"Ah ganun ba. Gusto mo turuan kita?" alok ko.

"Yun na nga eh. Magpapatulong sana ako sayo. Regarding kasi sa assignments, medyo naguguluhan ako. Tsaka wala na akong oras na gawin sila."

Hayyyy. Oo nga. Varsity Player din kasi siya ng tennis. Kaya panigurado, rigid ang training nila para manalo. Syempre, wala ng oras ang Papa George ko.

"Sige ba. Bigay mo nalang mga assignments mo sakin. Ako nalang gagawa. Para di ka na mahirapan."

"Talaga?" nakangiti niyang sabi.

PLEASE. WAG KANG NGUMITI! ANG GWAPO MO TINGNAN! :DDDDDD

"Yeah." sagot ko.

"Thank you Bree! Thank you talaga! Maaasahan ka talaga! Thank you talaga." sabi niya sakin sabay yakap. "Sige, mauna na ako. Bye!"

Bago pa man ako makapagsalita ay nawala na siya. Hayyy. Ok lang. Niyakap naman niya ako eh. Jackpot na ako dun. HAH! Mainggit kayo girls! WHAHAHA.

"Ah. You're welcome. Bye." mahina kong paalam.

Pumasok naman ako agad sa library at umupo sa isang silya. Hayyy. Thank God. Makakapagpahinga na ako. Kainis talaga. Nagmadali ako kanina para lang sa wala. Hayy nako.

"ID please." sabi nung librarian.

Pinakita ko naman ito agad at umupo sa sulok. Whoohoo. Sa wakas, nakaupo rin.

CHRISTINE LI.

"Teka, ba't nga ba lagi kong naiisip yung pangalan na yun?" sabi ko sa sarili ko.

Eh kasi naman, lagi ko nalang naiisip yun. Pero kasi pamilyar talaga ang pangalan na yun. San ko nga ba narinig yun? Think Bree. Think.

"AH!" sigaw ko.

"Shhhhhhh!" saway nung librarian.

Ahy tanga! Nasa library ka nga kasi! Bawal mag-ingay! Silence please!

"Sorry po." hingi ko ng tawad.

Naalala ko na! Naalala ko na kung san ko narinig yung pangalang yung. Ba't ko nga ba nakalimutan yun in the first place? Tsk.

Siya yung gusto ni Gino dati!

So, siya pala si CHRISTINE LI. Maganda nga siya gaya ng pangalan niya.

***

Change of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon