Simula

26 2 0
                                    

Hindi mapakaling kinakagat ko ang ulunan ng ballpen-g hawak ko, habang nakatitig sa wall clock na nakasabit sa gitnang itaas ng board. Pabulong kong binibilang ang segundong natitira para tumapat ng 12 ang malaking arrow habang nananatili sa 4 ang maliit nito.

Pagkatapos ng ilang minuto, nag-ingay na ang school bell. Tumayo agad ako at di na hinintay ang pag-aannounce ng dismissal ni Mrs. Añico.

"Blue, kukuha ka na ba ng examination permit?!" napahinto ako sa tapat ng pinto sa pahabol na sigaw ni Eloisa.

Nilingon ko sya at inilingan. "Nagmamadali ako, eh. Aagahan ko na lang ang pagpasok bukas para makakuha." 

Tumango sya at sinenyasan ako na pwede na daw lumayas. Medyo harsh sya sakin ngayon dahil bitter sya. Nakita ba naman nya kaninang lunch break yung kabe-break nyang boyfriend na may ibang kasamang babae. Panay bulong nga sakin na 'wala daw-ng forever', eh nung sila pa at ako nagsasabi nung line na yun, halos sakalin nya ako.

Pagdating ko gate, luminga-linga ako sa paligid at nagbabakasali na matyempuhan ko si Yohann Ramirez, ang ultimate crush ko. Kaso, wala eh. Naalala ko, di nga pala pumasok yun dahil 18th birthday ng kapatid nya at dun rin pala ang punta ko kaya nagmamadali ako.

Pumara ako ng tricycle para mas mabilis, kaysa mag-jeep ako na maghihintay pa ng matagal para makaalis. 

Pagdating ko sa bahay, naka-ready na si Kuya Cyan at si Kuya Red.

"Wow, di halatang excited kayo, ah." tinaas-baba ko ang kilay ko sa kambal kong Kuya pero sabay nila akong tinaasan ng kamao.

Alam nyo kasi, may something sakanila ng debutant, kapatid ni Yohann, at ng mga Kuya ko. In short, parehas silang may gusto kay Yuri, pero isa lang sakanila ang gusto ni Yuri. Pero di ko alam kung sino.

Di na ako nag-aksaya pa ng oras, umakyat na ako sa kwarto ko at nag-ayos. Sasabay ako sakanila dahil wala na naman akong ibang kasama. Di naman close ni Eloisa ang family ni Yohann. Eh, ako, invited kasi kapatid ako ng bestfriend ng Kuya ng debutant o ni Yohann.

Sunod-sunod na katok ang bumulabog sa kwarto ko dahilan para lumihis ang kamay ko sa paglalagay ng mascara. Sht. Yung mata ko.

"Wait lang!" inis kong bulyaw sa kung sino man ang taong yun.

Nasayang ang natitirang minuto para sa pag-aayos sa disaster na nangyari. Nang makuntento ako, lumabas na ako ng kwarto ko, na syang sabay na kinutusan ako ng mga Kuya ko.

"Late na tayo!/Late na kami!" kasama ba ako o kayo lang? Tss. Paniguradong gusto na nilang makita si Yuri. Tsk, tsk, tsk.

Yeah, umalis na kami. Halos paliparin na nga ni Kuya Cyan yung kotse dahil tumawag si Yohann na nagsisimula na daw yung program. Panay ang sisi nila sakin, na syang panay irap ko. Paki ko ba sakanila. Sumama lang naman ako di dahil kay Yuri, kundi kay Yohann. 

Pagdating namin, sabay silang bumaba. Ako, pababa pa lang pero binato sakin ni Kuya yung susi. "I-lock mo!" then, yun! Iniwan na ako. Napa-sweet nga naman ng mga Kuya ko, sarap ipalamon 'tong high heels ko.

Padabog akong naglakad papasok sa loob ng hotel. May mga invited rin akong nakasabay pero syempre, di kami nagpapansinan kasi di kami close.

"Blue?" wala pang isang segundo, lumingon agad ako sa tumawag sakin. Di na kailangang magdalawang-isip. Sya na yun. "Nasan ang mga Kuya mo?" I'm disappointed... I'm so disappointed.

Akala ko sasabihin nya na ang ganda ko ngayong gabi pero di pala, asumera lang ako.

"Nasa loob na, ah. Di mo ba nakita?" binigyan ko sya ng matamis na ngiti. Alam kong masyado akong obvious, pero God! Di nya napapansin!

"No." napakamot sya ng noo. "Siguro nagkasalisihan kami. So, mauna na ako..." dahan-dahan akong tumango pero ang sinisigaw ng isip ko, 'Gosh! Sabay tayo!'

"Yohann!"  napakunot ako ng noo sa tumawag at sumalubong kay Yohann. Kilala ko sya... Si Ara, childhood bestfriend kuno ni Yohann. Sus, di na uso yung 'childhood bestfriend, nagkaka-inlove-an'. "Nasa loob na sila Cyan at Red. Panay nga ang sikuhan kasi bumababa na si Yuri, eh." sige tumawa ka. Maputol sana ang takong mo.

I flipped my hair bago nagsimulang maglakad papasok at lagpasan sila. Kahit na kating-kati akong agawin si Yohann, kailangan kong magtiis kasi di ako yung gusto nya, si Ara.

I Like Him (I Trilogy #1) (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon