Chapter 1

12 2 0
                                    

Natapos ang gabi, panay ang papansin at pag-irap ko. Kasi naman, wala sakin ang atensyon ni Yohann, na kay Ara. Kumain na nga ako ng marami para mapansin nya ako at sabihin 'dapat di ka kumakain ng marami, baka tumaba ka. Sige ka, mawawala ang ganda mo. Matu-turn off ako'. Ganun! Ganun dapat, kaso iba ang lagi nyang sinasabi, eh.

"Kumain ka nga ng marami, Ara. Bakit ba kasi na-uso ang diet-diet sa inyong babae? Damo na lang yata kinakain nyo, eh." Puna nya kay Ara, na naging dahilan para hampasin sya ng mahina ni Ara sa braso. Kung pansinin nya ako, matutuwa pa sya kasi nagpapataba ako. Oh, Lord! Kahit ngayon lang.

"Anong nangyari sa mukha mo? Para kang nalugian ng milyon-milyong paninda." 

Di ko pinansin ang tanong at lait nya. Wala na ako sa mood. Kasi sobrang excited ko, ngayon sobrang badtrip ako. 

Buong byahe, panay ang yabangan nila. Kesyo, tuwang-tuwa daw si Yuri habang sinasayaw nila. Pero nang malapit na kami sa bahay, nalipat sakin ang usapan.

"Si Yohann at Ara, may sariling mundo..." sabay lingon sakin mula sa passenger seat. Sige, mang-asar ka pa.

"May sariling mundo rin naman si Blue pati yung pagkain nya, ah. Hahaha!" 

Inis akong bumaba ng kotse at padabog na pumasok sa bahay. Panay kasi ang asar nila. Kung di naman, panay ang lingon sakin kapag pinag-uusapan si Yohann at Ara.

Nakatulog na lang ako na hindi nagpalit ng damit at nagtanggal ng makeup. Nakakapagod rin pa lang kumain... umasa...

"Anong nangyari sa debut ng kapatid ni Yohann?" salubong na tanong ni Eloisa sakin pagpasok ko sa room. Hanggang ngayon di pa rin naaalis ang busangot ng mukha ko. 

"Same." 

"Haha! Tama kasi ang pag-assume na mapapansin ka. Tignan mo nga yang mukha mo, parang binugbog ng milyon-milyong manok!" lalo akong ngumuso.

"Sa susunod, wag mo na akong tanungin sa nangyayari sa lovelife ko. Alam mo naman ang sagot, tinatanong mo pa. Ikaw nga? Kamusta yung reunion nyo ni Wenzy at ng bago nyang girlfriend? Akala mo di ko nakita yun kanina?" kitang-kita ko ang mabilis nyang pagnguso. 

"Ewan ko sayo! Pinaalala mo pa!" inirapan nya ako.

Kanina pa kasi ako nakarating dito sa school. Dumiretso lang ako ng cafeteria dahil di pa ako nagbe-breakfast.  Yung time na kumakain ako, nakita ko kung pano magkasalubungan si Wenzy na ka-holding hands si Trisha at si Eloisa. Halatang nag-panic si Eloisa, habang poker face si Wenzy. 

'Sapakin mo!' sigaw ng isip ko. Sya pa ang may ganang mag-poker face samantalang sya ang dahilan kung bakit sila nag-break.

Yun. Yun ang nagyari sa reunion nila. Yun ang unang beses na nagkaharap-harap silang tatlo. Panay kasi ang iwas at pagtago ni Eloisa kay Wenzy. At yung nangyaring yun, biglaan lang. Di sya na-inform.

Pumasok si Mr. Erudo at agad na nag-discuss. Buong morning class, puro discussion, kaya nung nag-lunch break, halos sumabog ang utak ko lalo na't nasa cafeteria rin si Yohann at ang tropa nya.

2nd year college ako sa kursong Hotel and Restaurant Management, ganun rin si Eloisa. Sila Kuya, Engineering si Kuya Red at Business Management naman si Kuya Cyan.  Si Yohann, Engineering at si Ara. Silang apat, pare-parehas na 4th year.

Minsan lko lang matyempuhan ang tropa nila Yohann sa cafeteria. Di kasi parehas minsan ang schedule namin. Well, alam ko yun dahil kapatid ko lang ang tropa nya. Kaso di rin alam nila Kuya na nakukuha ko sakanila yung list ng schedule nila. Haha.

"Lulu, dun tayo!" tinuro nya yung bakanteng table, tatlong table lang ang pagitan mula kila Yohann. Sana naman nakita nya ako.

Saktong paglapag namin ng tray ni Eloisa, may isa pang tao ang naglapag ng tray sa tabi ko. Agad kong inangat ang tingin ko.

"Available pa naman, diba?" mabilis nyang paalam. Nagpaalam pa sya kung nauna naman ang paglapag nya ng tray.

"Bakit nandito ka nanaman Eros?" inis kong tanong sakanya. 

"Ito, laging masungit sakin." nagulat ako ng pisilin nya yung pisngi ko. Agad kong inalis yun dahil masakit. "Haha! Napaka-sweet naman ng bestfriend mo Eloisa." sarkasikong puna nya habang nakangisi. Umiling lang si Eloisa.

Ever since na pumasok ako sa Univesity na 'to, di pumapalyang nag-iinis 'tong pangit na 'to. Panay ang asar at kurot nya sa pisngi o ilong ko. Di na nga ako magtataka kung bakit lumawlaw ang pisngi dahil sakanya. Sana ganyan rin si Yohann... 

"Balita ko pumunta ka sa debut ni Yuri. Anong nangyari? Naka-points ka na ba?" 

Napangiwi ako ng ipaalala nya yun. Oo, ganyan ang lalaking yan. Panay ang asar lalo na't kapag nalaman nyang di pa rin ako pinapansin ni Yohann.

Nagsimula akong kumain na wala ni-isang salita ang lumalabas sa bibig ko. Panay ang asar at tanong ni Eros pero di ko sya pinapansin. Konti na nga lang kukutusan ko na sya, eh. Kaso, isang tanong at balita ang nakapagpatigil sakin.

"Alam mo na ba? Si Yohann at si Ara na." 

Mabilis ko syang nilingon at tinitigan. Saan naman nya nalaman yun?

"Sino nagsabi?" 

"Kumakalat na sa buong campus ang tungkol sa kanila. Ang sabi, nakita daw ng mga estudyanteng invited kagabi na naghalikan ang dalawa bago umalis ng venue." lumingon sya sakin at ngumisi. "Di mo nakita? Nandun ka, ah." Damn him.

I Like Him (I Trilogy #1) (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon