Prologue

46 4 1
                                    

[Grace]

"Tulungan mo po ako... Tulungan mo po ako... Pakiusap, kailangan ko po ng tulong mo." Napapikit ako at unti-unting tinakpan ang tainga ko para lang hindi marinig ang mga panaghoy ng isang bata. Duguan, gula-gulanit ang puting uniform na may bakas ng sunog, sugatan ang kalahati ng mukha at umiiyak.

Andito na naman siya. Kailan ba niya ako titigilan?

"Ms. Collier are you listening to me?!" napadilat ako at napatingin sa teacher namin. Tinanggal ko ang kamay ko sa aking tainga nang nakita kong lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa akin.

"Yes Ma'am." sagot ko at nagumpisa na ulit siyang mag explain about sa History.

"Tulungan mo ko... Parang awa mo na, please?" Nagsusumamong wika nito. Umiling ako.

"Ayoko," bulong ko. Lumakas ang boses niya na naging dahilan ng pag sigaw ko, na sinabayan ng napaka ingay na tunog.

Tinakpan ko ang tenga ko para kahit pa paano ay mawala ang tunog na iyon pero hindi pa rin ito tumitigil at mas lumakas pa.

"Tama na!!ayoko na! lubayan mo na ko!" hiyaw ko. Nakita ko ang mga kaklase ko na lumayo habang naka tingin sa akin.

"M-ms. C-collier wh-what happen?" Lumapit siya sa akin pero tumakbo ako palabas ng room. But I made a wrong choice dahil ng pagkalabas ko mas dumami ang mga naririnig ko, ang mga nakikita ko mga students at guard, mga kaluluwa ng mga ito.

Mas binilisan ko ang pag takbo at dumiretso sa isang part ng school na mahalaman. Isang garden kung saan wala akong nakikita na kahit na sino man o ano man.

Ako si Samantha Grace Collier,16 years old,a Grade 10 student and as you can see I have sixth senses na isang bagay na hindi ko gugustuhing mapunta sa akin.

Palagi nila akong nilalapitan nila. Palagi na lang sila humihingi ng tulong. Pero palagi ko silang di pinapansin.

Ayokong makialam sa buhay ng may buhay at lalo na ng mga patay. (patay na nga may buhay pa)

I want to help them but I just don't want too. Ang gulo ko no? Well ganyan talaga, If you have the thing that only few have....

A/n:

Hey guys I want you to know that.... nothing hahahaXD. Tinotopak lang ako.

I hope you like this Horror, Mystery story, na ginawa ko kahit alam kong mukhang ewan lang toh...

Do Vote and Comment..

Thanks.

~Extxr

The Thing That Only Few HaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon