Chapter 4

19 3 0
                                    

[Grace]

~~~KINABUKASAN~~~

Maaga akong nagising dahil sa pagdating ni Mama. Kaya ang bunga maaga rin akong pumasok. Nasa classroom ako at tatatlo pa lang kaming nandito.

d=_=b

Iniisip ko pa rin kung ano ang nangyari kahapon pero sadyang wala akong maiisip kung ano 'yon.

Alas siete palang ng umaga 8 ang simula ng klase pero ewan ko ba kung bakit agad ako pumasok kahit na alam ko sa sarili ko na mababagot ako dito.

Lumabas muna ako at nagpunta sa Library. Binalik ko na ang aklat na hiniram ko kahapon. Tumingin ako sa mga bagong aklat pero wala akong makitang maganda na makakakuha ng interes ko.

Kinuha ko na lang kung anong madampot ko at umupo sa isa sa mga table doon. Tumingin ako sa relo ko at 7:15 pa lang. Anak ng tokwa bakit ang bagal?

Huminga ako ng malalim at tiningnan ang aklat na nakuha ko. Ang weird ng cover niya at hindi ko naman makita ang tittle. Tsk... Maibalik na nga lang. Umalis na ako sa library dahil umaaligid na naman sila at kung ano ano ang binubulong. Sarap nilang patayin. Wait lang patay na pala sila kaya wag na lang.

d-_-b

Naglakad na ako sa hallway pero hi di pa man lang nakakaisang minuto ay may lumapit sa akin na senior student na lalaki.

"Ms. I need your help" sabi nito. Di ko siya pinansin at naglakad na lang ulit.

"Please! Or else I will jump in that building!" Sabi nito kaya napahinto ako sa paglalakad at humarap sa kaniya.

"Go on, I don't care anyway" sabi ko at naglakad na ulit. Pakialam ko ba? Kahit naman mamatay siya mangbubulabog lang din siya.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad at dumiretso sa room. Medyo dumami na ang tao sa room at nakita ko na rin si Ace.

"Hey" bati nito. Tinanguan ko lang siya at umupo na sa may upuan ko.

Kinuha ko ang earphones ko at nilagay yun sa tenga ko.

"There is someone walking behind you" what the?

"Turn around watching your footstep" kailan pa ako nagkakakanta ng ganito? Ang creepy ahh..

"Hahahahaha, that's me" tiningnan ko naman ng masama si Ace na nakangiti naman sa akin.

"Kung trip mong manakot dahil sa pagkanta mo, then you did a great job" sarkastikong tugon ko sa kaniya at tumawa lang siya. Abnoy.

d-_-b

"I saw you with a senior high" napatigil naman ako.

"He asked for help why didn't you help him?" tanong niya ulit.

"I can't help him" I said. Kaluluwa nga nahihirapan ako yun pa kayang buhay?

"Maybe it's something both are related?" Taas kilay ko siyang tiningnan.

"And that means?" Sabi ko.

"That means both living and a ghost a related" sagot niya. So ano namang pake ko?

"Aish you really are hard to get" ano daw.

"Nothing" at biglang entrace si Ms. Rivera. What? Si Ms. Rivera? Waeyo? Tumingin sa aming dalawa si Ms. Rivera

"I'll be your classroom adviser now. Your previous teacher quit in the University because of an unknown reason" sabi niya at nagsabi pa ng kung ano ano. Tulad ng wag daw siyang tawaging Ms. at Ma'am daw ang itawag sa kaniya.

The Thing That Only Few HaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon