Chapter 5

9 3 0
                                    

[Grace]

"So nakikita mo yung problema na kinahaharap ng isang multo sa pamamagitan ng sarili mo?" Tanong ko kay Daniel. Tumango-tango naman siya. Si Daniel ay isang Senior High sa Collier University. Nalaman kong Senior siya dahil blue ang kulay ng necktie ng uniform niya. Sa amin kasi sky blue. Mas cute yung amin.

d^_^v

"So ibig sabihin kapag pagbibigti yung kinamatay ng multo... Magbibigti ka din?" Manghang tanong ko at tumango lang siya.

"Ehh... Paano kung madedo ka?" Nanlaki ang mata niya sa tanong ko. Wae?

"Bakit naman papatayin mo ako?" Gulat na tanong niya. At ngumiti lang ako.

"Humihinto ang pagsasadula ng multo sa oras bago sila mamatay" sabi pa niya. Kaya pala naging matino siya ng bumagsak na yung multo kanina.

"Ehh... Paano kung hindi naman talaga 'yon ang kinamatay niya?" Tanong ko at takhang tumingin siya sa akin.

"Ano?" Tiningnan ko siya at umiwas din agad.

"Halimbawa na natin yung kanina may idadagdag lang ako ng konti, Paano kung hindi sa pagtalon namatay yung babae na 'yon? Paano kung pagkabagsak niya ay hindi pa siya patay? Paano kung binaril siya talaga? Masasabi mo bang hihinto ang pagsasadula mo bago ang pagbagsak niya? Ehh yung baril ang nakapatay sa kaniya at di naman ang pagtalon niya" mahabang sabi ko sa kaniya.

"What the F are you saying? I don't get even a word out of it!" At ayan na naman si Ace. Tsk.

"Diba advance ka? Grade 10 ka na nga diba? Bahala kang umintindi mag isa" tugon ko dito. Nag isip ng matagal si Daniel.

"Wow.... Hindi ko man lang naisip 'yon ahh.... Pwede pa pala akong tumuloy sa pagtalon kung gan'on?" Manghang tanong niya. Anak ng? Namangha pa talaga siya na pwede siyang mapospital?

"Wews... Hindi ko man lang naisip 'yon. Buti na lang talaga at pagbagsak sa building ang kinamatay niya... Sino ba naman ang mabubuhay kapag sa 20th floor ka bumagsak?" sabi niya at biglang tumawa. Nagkatinginan kami ni Ace.

The Thing That Only Few HaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon