Chapter 6

17 3 0
                                    

[Grace]

"Paki sagot ako ahh.. Ano nga ulit ang gagawin natin dito?" Nakangangang tanong ko.

"We will be looking for evidence" sagot naman ni Ace.

"Totoo? Seryoso ka? Hotel yan!" Bulalas ko. Tiningnan niya ang building kaya tumingin din ako.

El Trinidad Hotel......

Paano naman kami hahanap ng ebidensya niyan? Kung isa sa mga kasama namin ay isa sa mga suspect ko.

"Let's go" sabi ni Daniel. Aakayin na niya sana ako ng tumakbo ako palapit kay Ace. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Ace.

Papasok na sana kami ng makita ko ang guard at napatingin ako sa suot namin. Naka uniform pa rin kami.

Siguradong tatanungin kami niyan kung bakit kami nandito. Hindi naman namin pwedeng sabihin na. Kuya hahanap kami ng ebidensya para malaman namin kung ano ang nangyari dito sa Hotel na 'toh last week.

d-_-b

Sabagay pwede naman naming sabihin na may dadalawin kami. Kiniwento ni Daniel ang ibang details kung bakit ganoon kabilis mababasura ang kaso kahit na isang Linggo palang ang nakakalipas. Malakas ang kapit ng pamilya ng suspect sa mga nakatataas.

Dumiretso na kami at pigil hininga akong naglakad. Ewan ko kung anong sense ng ginawa ko pero okay lang. Mukha akong tanga.

d-_-b

"Sir Dan" nagulat na lang ako ng biglang nagsalita si Kuya Guard.

"Mang Bert!" bati naman ni Daniel at nakipagfist bump pa siya dito. "Tutulungan nila ako sa project ko" dagdag pa niya habang tinuturo kami at nagpatuloy sa paglalakad.

"Uhmm.... Miss okay ka na po ba?" napahinto kami sa paglalakad at humarap kay Kuya Bert. Nagpalingalinga ako at ng makita kong ako lang ang Miss dito, tinuro ko ang sarili ko. Tumango naman si Kuya Bert.

"Uhmm... Opo okay lang po ako" sabi ko at ngumiti lang siya. Naglakad na siya palayo sa amin. Weird.

Pero kilala ni Daniel 'yon? Ang sabi niya dinala siya dito ni Lyre kahapon. How come na parang kilalang kilala siya ng Guard? How come din na parang nakita na niya ako?

Naglakad na kami at sumakay sa elevator. Pansin ko lang wala masyadong tao dito.

"Here's my room" sabi niya at binuksan ang isang pinto. Sa 14th floor.

"I decided to stay here for a month" sabi ni Daniel at naglakad na papasok sa kwarto niya. Pumasok si Ace pero di ako pumasok.

"Hey you're not coming in?" nakangiting ni Daniel.

"Hindi" sabi ko at naglakad palayo d'on. Pangbabastos ata yung ginawa ko. Tsk.

Napatingin ako sa taas at nakitang may cctv camera na nakalagay sa bawat sulok ng hotel.

Wala kaya silang footage ng nangyari last month dito? Siguradong meron. Kailangan namin 'yun para malaman ko kung isa si Daniel sa mga suspect sa pagkamatay ni Lyre.

The Thing That Only Few HaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon