“Bilisan mo na,” sabi ni Trina at ito na ang nag-abot sa akin ng uniform ko sa trabaho namin. I was working as a waitress in a restaurant.
Mabilis na akong nagpalit. Magbubukas na kami. Baka mapagalitan na naman ako ng supervisor namin. Umabot naman ako at nagsimula na ang shift ko sa araw na iyon.
Nag-iingat na ako na hindi mabangga sa kung saan dahil inaalala ko na ang anak ko. Kapit ka lang diyan, baby. Kailangang magtrabaho ni Mama para sa ‘yo.
May nag-iba na sa pananaw ko. Kung noon iniisip ko pang makabalik sa pag-aaral at matupad ang pangarap ko, ngayon, pangarap na lang siguro para sa anak ko. Ayaw kong matulad siya sa akin. Mabuti at may kaunti pa naman akong ipon. Kaya ko ‘to. I sighed and continued serving the customers.
Mahirap din talagang makahanap ng trabaho sa panahon ngayon kaya kahit ano na siguro, papasukin ko. I was in my second year in Nursing nang mahinto ako. Noon din parehong nawala sa akin sina Mommy at Daddy. Kinuha ng bangko ang halos lahat ng ari-arian ni Daddy dahil sa laki na rin ng utang niya. He tried to save his business pero wala talaga hanggang sa na-depress na siya. Wala naman akong nakuha kay Mommy dahil hindi papayagan ‘yon ng pamilya niya kahit gustuhin pa ni Mommy na may maiwan sa akin. Hindi rin naman talaga niya ako tunay na anak. Hindi sila magkaanak ni Daddy. Kaya naalala ko noon na laging sinasabi ni Mommy sa akin na thankful siya dahil dumating ako sa buhay niya at naranasan niyang maging ina.
“Camille?” isang kakilala noong college iyon.
I was getting their orders. May kasama siyang lalaki at babae sa table nila. Mukhang kilala rin ako ng mga kasama niya base sa mga tingin nila but I couldn’t remember them anymore.
“OMG, you’re working here? You’re just a waitress now?” maarte nitong turan.
Kinuha ko na lang ang mga order nila na ibinigay naman. ‘Tapos ay nagpaalam na rin ako para kunin ang pagkain nila.
Siguro nataon na nahirapan talaga akong makahanap ng trabaho. Ayos din naman ang trabaho ko rito sa restaurant. Minsan nakakapagod pero okay naman. Fair naman ang sahod.
Naisipan ko ring pumasok sa modelling noon. I was also offered then. May lumapit sa akin noon sa school at nag-iwan ng calling card niya. I trusted him. Kamamatay lang ng parents ko when I went to this address. Agency rin sila. Pagdating doon, pinaghuhubad nila ako hanggang sa naging sapilitan dahil ayaw ko. ‘Buti nakatakbo at nakatakas ako sa mga lalaking ‘yon. Na-trauma siguro ako kaya hindi ko na naisip sumubok pa kahit nag-o-offer ang mga kakilala ni Trish sa mundo ng pagmomodelo.
Pagod na ako pagkauwi ng apartment. Nag-commute pa kasi ako. I made sure na kumain ako ng dinner, ‘tapos hindi na rin nagpuyat. Uminom din ako ng maternal milk ko. I needed to be healthy para sa baby ko. Maaga naman akong nakatulog nang gabing ‘yon.
Kinabukasan, nagbibilang ako ng ipon ko. Dati halos barya lang sa akin ito. Pero ngayon, kahit piso ay mahalaga na dahil pinaghihirapan ko. Totoo nga siguro ang sabi nila na mas mahirap nang gumastos kapag sariling pinaghirapan mo na kaysa sa pera pa lang ng mga magulang mo. Kasi kung makapag-shopping din ako noon, parang wala nang bukas. Kung alam ko lang na maaga akong iiwan nina Mommy at Daddy, sana pala noon pa lang ay nag-save na ako. Hindi ‘yong puro gastos. Bumuntong hininga na lang ako.
May schedule ako ngayon ng checkup kay Doktora, iyong OB din ni Trish na tumingin sa akin noong una. Doon na lang ako kasi parang hindi ganoon kamahal ang singil ni Doc o baka kinausap na rin siya ni Trish?
Naisip ko iyong lalaki…Kung kapatid nga iyon ni Maia at ospital nila ‘yon…Hindi naman siguro kami magkakasalubong doon? Malaki naman iyong ospital kaya medyo imposible pa rin na magkasalubong kami. At doktor ba siya roon? Siguro…
Naalala ko noong elementary pa kami ni Maia at pinapunta kami isa-isa ng teacher namin sa harap para i-share sa klase kung ano ang gusto namin paglaki. I remembered her telling the class that she wanted to be a doctor just like her parents. Siguro pamilya rin sila ng mga doktor.
BINABASA MO ANG
Mistakenly (Published Under LIB)
General FictionCamille Fontanilla is a love child--a product of her mother's affair. She vowed she would never be a homewrecker like her, but when she finds out she's having a love child of her own, the apple doesn't really fall far from the tree... *** Camille is...
Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte