Napakalawak ng mundo
Kung iyong tigignan, ito'y napaka-amo
Magandang tanawin
Maraming bukirinAng mundo ay isang lugar
Kung saan tayo nabibilang
Nakikipagsapalaran
At nakikipagkaibiganNagkakatuwaan, nagbibiruan
Nagsasama at nagtutulungan
Ito ang nakita ko, sa ating mundo
Ngunit, di ko inakala, Ito ay magbabagoAng tahimik na mundo
Ngayo'y napakagulo
Paggalang at respeto
Nawala na sa TaoImbis na magtulungan
Ngayon ay nagkasakitan
Katotohanan ay itinatapon
At binabaon sa kadilimanNasaan na ang kapayapaan?
Nasaan na ang pagmamahalan?
Mundo'y nag-aalab
Ng Dugo't kasakiman.Ang nasa-isip ng iba
Ay estado ng buhay at pera
Hindi na nakuntinto
Sa buhay meron sila.Batas para Sa kapayapaan
Ngayon ay wala ng pakinabang
Pera at kapangyarihan
Ang panalo Sa hulihan.Abogado't hukuman
Bumaliktad na sa Katotohanan
Magkaroon lang ng Pera
Mali ay ginawang tama na nilaNasaan na ang Hustisya
Sa aming hampas lupa?
Kami walang kasalanan
Ngunit Kami ang naparusahan.Dahil ba, Kami mahirap
Di katulad ng iba
Ay wala ng karapatan
Mabigyan ng hustisyaMundong payapa
Ay isa nalang bang ala-ala?
Mundong puno ng ngiti
Dugo at luha nalang ba?Kaibigan at kapwa ko
Magmahalan tayo
Buksan natin ang ating puso
At gawing langit ang mundoMahirap man o mayaman
May Pera man o wala
Tayong lahat ay iisa
Tayong lahat ay may pusoPuso ang daan
At susi Sa kapayapaan
Puso ang dahilan
Kaya tayo isinilangKapayapaan ating maangkin
Kung puso ating pairalin
Mahirap man ito gawin
Ngunit ako'y may tiwala parinSakit Sa nakaraan
Ibahin natin Sa kasalukuyan
Iba ang kahapon
Sa ating kinabukasanKaya kapwa ko
Magmahalan tayo
Upang wala ng gulo
At maging langit ang
MUNDO.-—***--***--****-**--***---**----—
"NOTHING IS IMPOSSIBLE,
THE WORD ITSELF SAYS
I'M, POSSIBLE "
👻👻👻👻👻👻👻👻
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Aking Gawa
PoesíaAng kuwadernong ito Naglalaman ng tula ko Tulang galing sa obserbasyon At maging sa isip ko Ang iba naman ay galing sa aking nararamdaman Galing sa utak at sa aking puso Mayroong katotohanan at kathang isip lamang. Hindi man seryoso ngunit...