OPTION !
Siguro ... di talaga tayo para sa isa't-isa,
Siguro ... Siguro ... Siguro
Puro siguro ang nakatatak sa aking isipan , Salitang walang kasiguraduhan ... sagot sa matagal mo ng tanong ...
"Mahal mo ba ako ? "
SIGURO ?!?
"Ipaglalaban mo ba ako ?"
SIGURO ?!?May mga tao talagang laging di sigurado ... parang SIYA !
Gusto ko nang ipagsigawan sa lahat ng tao yung nararamdaman ko ... tinanong kita kung pwede bang maging tayo at ang sagot mo ... SIGURO ! Hinayaan lang kita dahil siguro di ka pa handa na pumasok sa isang relasyon !
Sinirado mo ang pinto ng puso mo at iniwan mo ako sa labas nito . Inantay ko ang muling pagbubukas nito ... di nga ako nagkamali ... ngunit nadurog ang puso ko nang di ako yung pinapasok mo. Nasayang lahat ng oras ko sa paghihintay sayo! akala ko sabay tayong maglalayag pero iba pala ang nais mong ipahayag ... sana pala una palang sinabi mo na,di na sana ako naghintay pa sa labas ng pinto ng iyong pagmamahal,sana pala kumatok nalang ako sa ibang pinto at maglaan ng aking pagmamahal.Lumipas ang mga buwan at ika'y bumalik ... umiiyak !
Tinanong kita kung bakit .. sagot mo ... iniwan ka niya at sumama sa iba ! Gusto kong sumabog sa mga narinig ko sayo ... Biglang sumagi sa aking isipan ... Naisip mo ba yung naramdaman ko nung iniwan mo ko at sumama sa kanya ? Pero hindi ko kaya ! Hindi ko kayang magalit sayo .. dahil MAHAL kita ... at handa kong isugal lahat ng meron ako para sayo. Akala ko nasakin na ang huling halakhak ... ngunit ako'y nagkamali ... nagkabalikan kayo at heto na naman ako ... iniwan mo. Ayaw ko na ... ang sakit sakit na ng aking mga mata ... yakap yakap ka niya at tuwang tuwa ka pa ...
Di mo man lang naalala nung iniwan ka niya at sakin ka lumapit ... Ang sakit sakit makita na masaya ka sa piling ng iba ... Ang sakit sakit kasi kahit kailan hindi ko masasabing akin ka !