Kath's POV
It's been months mula nang namatay ang kapatid ko.
Masakit para sakin na iniwan niya na kami. Iniisip ko minsan nandiyan lang siya sa tabi ko. Nagbabakasakali na panaginip lang ang lahat ng ito. Na buhay pa siya kasama namin.
"Ate, aalis na po ako." Paalam ni Kira.
Aalis narin si Kira, kailangan niya nang mag-enroll sa papasukan niyang paaralan. Hindi ko siya masyadong kinakausap dahil baka maiyak lang ako.
Tumango ako sa kanya tapos tumalikod.
Narinig ko ang mahina niyang magiyak, kasalukuyan itong palabas ng bahay nang pigilan ko ito. "Kira?"
"Ate." Niyakap ko siya ng mahigpit. Kahit ako hindi ko na napigilan ang luha ko. "Ate hindi na ako magkokolehiyo. Dito na lang ako sa tabi mo." Sabi niya.
"Kira diba napagusapan na natin ito? Magaaral ka ng mabuti para pagtanda mo matutupad ang lahat ng pangarap mo. Diba gusto mo maging Doctor? Diba sabi mo tutulong ka sa mahihirap na katulad natin? Kira para rin sayo ito. Mahal na mahal kita okay? Lagi mong tatandaan yan." Umiiyak na sabi ko.
"Paano ka po? Wala kang kasama dito." Nagaalalang tanong niya.
"Okay lang naman ako dito. Hindi naman ako nagiisa, nandito si baby." Hinawakan ko ang tiyan ko.
"Ate mahal na mahal kita, magiingat ka dito ha."
"Sige na't magiingat ka rin. Mahal na mahal kita." Tumango naman siya.
Lumabas na siya ng pinto kaya lalo akong napaiyak. Ako nalang ang magisa sa bahay na ito, bakit sobrang lungkot.
Sinara ko ang pinto at nagtungo sa kwarto. Humiga ako sa kama at hinimas ang umbok ng tiyan ko.
"Tayo na lang muna baby. Sayang hindi mo naabutan si Tito mo. Excited pa naman yun na makita ka. Si Tita Kira mo naman kailangan niya munang magaral para matupad niya ang mga pangarap niya."
"Yung lagi kong sinasabi sayo lagi mong tatandaan ha. Kapit lang kay mama baby ko. Wag mo din ako iiwan dahil baka hindi ko na makayanan ang sakit." Pakiusap ko sa anak kong nasa sinapupunan ko.
BINABASA MO ANG
One Night with the Bachelor (PUBLISHED UNDER DREAME APP)
General FictionONE NIGHT WITH THE BACHELOR Hinalikan ko ang noo niya. "Hindi ko makakalimutan ang araw na ito." Bulong ko sa kanyang tenga. Alam kong hindi niya iyon maririnig dahil tulog na tulog siya, wala akong pinagsisisihan na sa kanya ko binigay ang ka-birh...