At para ito sa mga kababaihan sa aking buhay.
Mga kababaihan sa buhay ko na may kakaibang taglay
May malambot na puso at kung gumawa ng mga bagay ay laging bukal sa kanilang puso
Mamahalin at mamahalin ka nila ng walang humpay hanggang dulo
Magaspang. Magaspang nanaman ang kaniyang mga palad at alam na alam ko na kakatapos niya lang maglaba pero itong mga palad na ito para sa akin ay walang kasing kinis
Dumating ako sa bahay at nakita ko agad siya. Hinagkan ko siya dahil alam kong pagod na pagod nanaman siya sa gawaing bahay dahil nangangamoy na siya pawisTinitigan niya ako ng mata sa mata na parang sinasabi na nauunawaan niya na may problema ako
Sinubukan niya akong pasayahin, pangitiin at patawanin, sinabihan ng iba't – ibang nakakalokong biro at sa huli ay nag-tagumpay siya at na pasaya niya akoIsang araw ay napamulat ako ng marinig ko siyang umiiyak
Ayan nagdadrama nanaman siya, nakatitiyak akong walang humpay na kwento nanaman ito
Natatawa na lang ako habang tinitignan siya dahil kasabay ng pag-patak ng kanyang luha ay ang kanyang paa na pumapadyak
Wala na akong ibang nagawa kundi yakapin siya at haplusin ang kaniyang buhok
Bilib talaga ako sa kaniya at sa mga kababaihan na kahit nasawi at sinasaktanAy patuloy pa rin silang nakatayo ng tuwid upang ipakita na sila ay matapang
Oo, naniniwala ako. Naniniwala ako sa kanya, sa kanila. Naniniwala ako na kaya nilang lumaban
Kahit gaano man sila kapayat o kagaan
Makulit, madaldal, at magaling. Magaling naman sila sa lahat diba?
Malambing, maalagain at mapagmahal, ano pa ba?
Pero bakit ganito? Kahit anong gawin nila ay nandiyan ang mga tao at patuloy sa panghuhusga
sa kanila?Hindi ko alam kung ano pa nga ba ang kulang sa kanila? (Meron pa nga ba?)
Dahil ako bilang babae ay napapagod na ako
Pagod na akong itago ang lahat ng ito sa ilalim ng batoItago ang mga saloobin ko dito sa puso ko
Kung kaya't sana ay samahan mo kami para ipaglaban ang mga bagay na dapat ay para sa amin.
-------
Unang piyesa sa taong ito. Tungkol sa mga kababaihan.

BINABASA MO ANG
Poem Collection
PoetryI'm not a professional poet by I always try my best. There are errors here. Don't mind them. I did it on purpose because I want to finish every poem I write. Hahah