At para ito sa taong hindi ko binigyan ng pansin nuon na siyang nagpabago sa akin ngayon
Minsan akong binigyan ng pagkakataon para makilala ang isang tao
Isang tao na minsan ay di ko inakalang magpapabago ng takbo ng buhay ko
Isang taong akala ko daraanan ko lang pero napatigil ako, napatigil ako sa kaniyang harapan
Tinignan ko siya inalala ang bawat oras na nakasama ko siya nuon, ang bawat kwento ng nakaraan"Magandang umaga" 'yan lamang ang lumabas sa aking bibig ng makita kosiyang muli.
Tinitigan niya ako na tila ba inaalala kung saan niya ako huling nakita, mali
Hindi niya inaalala kung saan niya ako huling nakita dahil kilalang kilala niyapa din ako.
Ngumiti siya sa akin at sinabing "Kamusta ka na?" Hindi niya pa din pala ako nalilimutanhanggang dulo
Minsan akong binigyan ng pagkakataon para makilala ang isang napakagandang taosa mundo
Isang taong na hindi ko binigyang pagpapahalaga nuon pero heto ako ngayon nagtagumpayng dahil sayo
Tinuro mo sakin ang mga bagay na akala ko ay matagal ko nang alam
Pero nagkamali pala ako, sobrang daming bagay pa pala sa mundo ang hindi ko pa naaalam
Minsan may nagsabi sa akin na maituturing na bayani ang isang tao kapagnag-alay siya ng buhay.
Itunuturing na Bayani ang isang tao kapag handa siyang lumaban ng walang humpay
Pero tinuring kitang isang Bayani dahil sa inalay mo ang buhay mo para sa akindahil isa kang maasahan sa buhay
Handa mong ibigay ang lahat kapalit ng isang maliit na tagumpay
Minsan akong nangarap ng pagkataas taas na akala ko ay di ko na ito makakayangabutin
Pero ng dahil sayo, dahil sayo ay hanggang ngayo'y pinipilit at pipilitin koitong abutin
Ikaw ang nagturo sa akin kung paano bumigkas ng bawat letra
Sinikap mong turuan ako ng alpabetong tagalog mula sa letrang A hanggang saletrang Ya
Nuong binigyan ako ng pagkakataon na makasama ka ay hindi ko manlang naisip napasalamatan ka
Hindi ko alam kung ano nga bang iniisip ko nuon para kalimutan na pasalamatanka
Nang Makita kita muli wala na akong ibang maramdaman kundi saya
At ngayong nandito na akong muli sa harapan mo ang gusto kong sabihin ay"Salamat aking guro at nandiyan ka"

BINABASA MO ANG
Poem Collection
PuisiI'm not a professional poet by I always try my best. There are errors here. Don't mind them. I did it on purpose because I want to finish every poem I write. Hahah