CHAPTER 25: SHE'S MISSING

14.8K 401 27
                                    

SOPHIE'S POV

Andito ako ngayon sa isa sa mga paborito kong park.Walang kahit sinong nakakaalam na nagpupunta ako dito kahit sina mom dahil dito ako pumupunta kapag gusto kong mapag-isa.

Galit ako sa kanila at di ko itatanggi yun dahil di naman ako santo para di magalit. May hangganan din ako.

Natakot akong sabihin sa kanila ang totoo dahil baka magalit sila dahil ngayon ko lang sinabi. Natatakot ako na baka akalain nila na wala akong tiwala sa kanila. At baka yun ang maging dahilan para mawalan sila ng tiwala sakin.

But I'm wrong!! Saming lahat ako lang pala ang nag-aakalang may tiwala sila sakin at higit sa lahat saming lahat ako lang pala ang nagtitiwala sa kanila.

Nagsimula na namang pumatak ang luha ko.

I'm crying not because I'm mad at them.I'm crying because it hurts.

Iniangat ko ang tuhod ko at niyakap saka doon yumuko. Ayokong may makakita sakin na ibang tao na umiiyak.

Patuloy lang ako sa pag-iyak ng may maramdaman akong nakatayo sa harap ko.

Iniangat ko ng kaunti ang mukha ko at bumungad sakin ang isang panyo.

Iniangat ko pang lalo ang mukha ko para makita kong sino ang nag-aabot ng panyo.

Umaasang si clyde yun at nandito sya para makipagbati but I was wrong.

At nakita kong isa itong lalaki na kulay blonde ang buhok,blue na mga mata,pointed nose at red lips.In short gwapo.Pero mas gwapo padin si clyde.

Aiisshh!! Bakit ko ba iniisip si clyde?! Tsk! Galit ka sa kanya sophie okay?! Kaya wag mo na syang isipin!

Umasa ka pa kasi sophie na darating si clyde eh wala ngang tiwala sayo yun!! Wala ka talagang kadala-dala sophie!!

"Ahm pwede mo na bang kunin kasi nakakangawit eh"

At dahil doon nabalik ako sa reyalidad.

"Oh! Sorry! And thanks" sabi ko at kinuha yong panyo na iniaabot nya at pinunas sa luha ko.

"Its okay and your welcome" sabi nya

"By the way I'm Louie" sabi nya at iniabot ang kamay

"I'm sophia" sabi ko at tinanggap ang kamay nya at agad ding inalis.

"I know. Sino ba namang hindi nakakakilala sa isang pinaka sikat na tao sa buong mundo dahil sa taglay nyang kagandahan?" sabi nya

Yumuko na lang ulit ako umiyak ng umiyak.

"Alam mo pwede mo namang sahihin sakin ang problema mo.Ang pagsasabi sa iba ng problema mo ay makakabawas sa bigat na dinadadala mo" sabi nya at dahil doon napatingin ako sa kanya at nakita ko syang nakatingin sakin.At napaiyak ako lalo sa mga sinabi nya.

"I thought that my friends trust me but I was wrong! I'm so f*cking wrong! Never in my whole life that I imagined that they will not trust me! Kilala na namin ang isa't-isa simula bata pa lang kami kaya ni minsan di ko naisip na mag-iisip sila ng ganun sakin! Feeling ko pinagtaksilan ako! Di ko alam kung bakit bigla na lang silang nawalan ng tiwala sakin! Sila ang pinakahuling taong naisip ko na mag-iisip ng ganun sakin!" sabi ko at bakas dito ang hinanakit ko at habang sinasabi ko yun patuloy padin sa pag-agos ang mga luha ko.

Agad kong iniangat ang mukha ko at nakita kong walang bituin.It has nothing but darkness.. like me.

And I smile bitterly.

"Wag mong itanong sa sarili mo kung anong nagawa mo para di ka nila pagkatiwalaan. Its their fault for not trusting you.At tama lang na magalit ka sa kanila.Di mo naman kasi mapapasunod ang puso mo sa kung anong gusto mong maramdaman." sabi nya

Legendary Goddess (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon