Chapter 33: TROUBLE

10.1K 275 32
                                    

SOPHIE'S POV

Andito ako ngayon sa kwarto ko. Nag-usap usap na kami na bukas na bukas ay uuwi na din kami.

Tumawag kasi si ama dahil pinapauwi nya daw kami may kailangan daw syang sabihing importante.

Mamimiss ko ang kama kong ito. Ang mansion. Ang mga mortal . Sila mommy at daddy.

Ang daming nangyari saming masasaya at masasamang ala-ala dito sa mortal world.

Parang kahapon lang nung bumalik ako dito sa mansion at nakipag-ayos ako kila clyde.

Hayyss...

Ipipikit ko na sana ang mata ko para matulog ng biglang bumukas ang pinto.

Minulat ko ang mga mata ko para tignan kung sino yung nagbukas ng pinto at nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino yung nagbukas ng pinto.

"Vanessa?? Yna?? Alexa?? Anong ginagawa nyo dito?? Diba dapat nasa kwarto nyo kayo?? Gabi na ah bakit di pa kayo natutulog??" Sunod-sunod kong tanong dahil hating gabi na ngayon ah.

Pero imbis na sagutin ako sinenyasan nila ako na wag maingay.

Yung ididikit mo yung hintuturo mo sa labi mo.

"Sssshhh.. Wag kang maingay baka magising sila drake" saway ni vanessa

Agad naman silang lumapit sakin.

"Dalian mo na sophie magbihis kana" sabi nila sakin

"Huh? Bakit? San tayo pupunta?" tanong ko

Nagkatinginan naman sila.

"S-sa b-bar" nauutal nilang sabi

"Ahhhh sa bar lang pa- ANO?! SA BAR?!" agad naman nilang tinakpan ang bibig

"Sshhhh!! Wag kang maingay sophie!! Baka magising ang mga boys!!" pasigaw na bulong nila sakin

"Sige na naman sophie pumayag kana! Minsan lang naman to eh! Saka last day na natin dito sa mortal world so bakit di na lang muna natin samantalahin ang natitirang oras natin dito sa mortal world at magliwaliw" Sabi ni vanessa

"San nyo nalaman ang tungkol sa bar?" tanong ko sa kanila

"Narinig naming pinag-uusapan ng mga katulong nyo dito" sabi nila

Uggghhh!! Oras na malaman ko kung sino yung mga katulong na yun sisisentahin ko sila!! Ng dahil sa kanila nalalagay ako sa alanganin ngayon!!

Ako ang malalagot kila kuya drake kung papayag ako sa gusto nila vanessa pero di ko kayang tiisin sila vanessa lalo na at nagmamakaawa na sila para lang pumunta kami sa bar.

Ano ng gagawin ko? Ugghhh!!

"So? Ano na? Payag ka na? " tanong nila at puno ng pag-asa at pagmamakaawa ang mata nila. Napabuntong hininga naman ako.

Legendary Goddess (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon