CHAPTER 37: BEHIND OF HIS EVILNESS

10.9K 238 3
                                    

SOPHIE'S POV

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Medyo inadjust ko pa ng kunti ang paningin ko dahil sa liwanag.

Nang maadjust ko ang paningin ko ay nandito pala ako sa kwarto ko. Teka- ano bang nangyari?

Ang huli ko lang naaalala ay nung dinukot kami ni Zack tas sumakit yung ulo ni zack at may lumabas na kung anong itim na usok sa kanya na kamukha nya- Si Zack!

Nasan si Zack? Okay lang kaya sya? Ano ba kasi yung itim na usok na lumabas sa kanya? Ano ba talagang nangyayari? Gulong-gulo na isip ko!!

Kailangan kong makita at makausap si Zack! Kailangan ko ng kasagutan at sya lang ang makakasagot nun!

Agad akong bumangon at baba na sana ako sa kama ko ng biglang bumukas ang pinto. And then I saw Clyde.

Nanlaki ang mata nya ng makitang gising na ko. Agad nya kong nilapitan.

"What do think you're doing Princess Sophia Monteverde?" nakataas na kilay na tanong nya

Minsan nagtataka ako kung lalaki ba talaga yang si clyde nuknukan kasi ng sungit tas minsan nantataas ng kilay. Tsk. Tsk.

"Kailangan kong puntahan si Zack clyde please" nagmamakaawang sabi ko sa kanya at hinawakan ang kamay nya ng makalapit na sya ng tuluyan

Napabuntong hininga naman sya

"You're really stubborn aren't you?" tanong nya

"Syempre nagmana ako sayo eh" pabirong sabi ko

"Tsk. Come. Sasamahan kita sa kanya" sabi nya

Tumango naman ako. Pero napakunot naman ang noo ko ng nakita kong papunta kami sa Isa sa mga guest room dito sa palasyo.

"Sabi mo sasamahan mo ko Kay Zack?" takang tanong ko

"Oo nga. Wag ka ng nagtanong sumunod ka na lang. Trust me" sabi nya

At binuksan ang pinto. Nagulat ako ng pagbukas ng pinto ay nakita ko sila kuya at ang iba at ang mas kinagulat ko ay yung natutulog na tao na tinitignan nila ng masama.

Si Zack. Nandito si Zack? Pero pano? Bakit? Lalong sumasakit ang ulo ko.

"Oh gising kana pala Sophie" sabi ni Yna

"Ayos na bang ang pakiramdam mo?" tanong ni kuya Drake

"Oo. Maayos na ang pakiramdam ko" sabi ko

Napatingin naman ako sa gawi ni Zack ng bahagya syang gumalaw.

Unti-unting dinilat ni Zack ang mata nya. Bigla syang napaupo ng marealise nya na di it yung kwarto nya. Tumingin sya samin habang nanlalaki ang mata at di makapaniwalang nandito sya sa palasyo namin.

"Bad morning to you bastard" bati ni kuya Drake Kay Zack habang nakatingin dito ng masama

"Anong ginagawa ko rito? Bakit ako nandito?" Tanong nya na kanina ko padin gustong itanong

"Nakita namin ang lahat. Nakita namin kung pano lumabas ang itim na usok sa katawan mo na naging kamukha mo at nawala na lang ito na parang bula. Wala naman sana talaga kaming balak na tulungan ka at dalhin dito kaso itong si Alexa sinabi na siguradong hahanapin ka ni Sophie pagkatapos ng mga nangyari kaya minabuti na lang namin na isama ka dito para kung sakali mang may gawin kang masama ay wala ka ng kawala" sabi ni kuya Drake

So that's explain why Zack is here. Napabuntong hininga naman si Zack pagkatapos.

Lalapit na sana ako ng iharang ni clyde ang braso nya at umiling tila sinasabi na wag kong ituloy ang binabalak ko.

Legendary Goddess (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon