@theimperfectone: Salamat sa cover, Pogi!
***
Ang pagkikita
-------------------------
"Gabriello! Lalabas muna ako para bumili ng lugaw ah," sigaw ni Aya habang papalabas na sa kanilang pintuan. Hindi na niya inantay pang sumagot si Gabby at binilisan na lamang ang lakad. Narinig naman niya ang napakalakas na sigaw nito.
"AYAAA! IIWAN MO AKO DITO SA MANSYON NIYO? AYOKO PANG MA-RAPE!" nagpatuloy na lang sa paglalakad si Aya habang nakayuko at pinipigilang tumawa.
"Ay, sorry," paghingi niya ng paumanhin sa kanyang nabangga. Nagulat naman siya nang pag-angat niya ng kanyang ulo upang makita kung sino ang kanyang nabangga.
"R-Rosario? A-ah.. s-sorry," paghingi niya ulit ng paumanhin.
Hindi naman siya sinagot ni Rosario at tinignan lang siya ng walang emosyon. Nagtitigan lang sila ng ilang sandali habang si Aya ay medyo nanginginig pa dahil sa nakakakilabot na tingin nito. Si Rosario na mismo ang unang nagbitaw at naglakad na palayo.
Hindi na lumingon pa sa likod si Aya at napako na lamang sa kanyang kinatatayuan. Ilang sandali lang ay naglakad na rin siya papunta sa bayan.
Pagdating ni Aya sa lugawan ay umorder na agad siya ng dalawang order ng lugaw. Ang isa ay kay Gabby at ang isa ay para sa kanya. Dumaan na rin siya sa talipapa para bumili ng sangkap sa lulutuin niyang ulam.
Habang naglalakad, nagulat na lamang siya sa sunod-sunod na pagdaan ng dalawang kotse ng pulis. Nagtaka naman siya dito ngunit nawala rin ito nang lumakad pa siya ng kaunti at nakita sa isang talahiban ang nagkukumpulang mga tao at isang bangkay na nakatakip na. Napahawak siya sa kanyang bibig dahil sa pagkagulat.
"Kawawang Joel."
"Kahit na lasinggero at bastos 'yan, mabait naman 'yan e."
Iyan ang ilan sa mga narinig ni Aya sa mga nagchi-chismisang mga tao. Dahil sa hindi na niya masikmura ang nakikita ay nagsimula na itong maglakad ngunit pagharap niya ay may bigla na lamang siyang nabunggo at sumabog pa rito 'yung lugaw na binili niya.
"Sorry – Kiko?" wika niya at pupunasan sana ang damit nito ngunit nakilala niyang si Kiko pala ito.
"Hala, sorry talaga!" paghingi ulit nito ng paumanhin. Maging si Kiko ay nagulat din sa nangyari ngunit biglang napangiti nang makilalang si Aya pala ito.
"Kung sinuswerte ka nga naman oh," bulong nito.
"Huh?" nagtatakang tanong ni Aya.
"Wala, wala. 'Di, tama na, okay lang naman ako e," pagdadahilan at pagpipigil ni Kiko kay Aya dahil akmang pupunasan ulit nito ang damit niya.
Ngumiti naman si Aya dito at humingi ulit ng paumanhin. Nakatalikod na siya upang maglakad na ulit nang biglang magsalita si Kiko.
"Hindi kasi ako tumatanggap ng sorry e. Para kasing nagugutom ako at gusto ko yata kumain ng lugaw ngayon kaso nga lang, wala akong kasama," umaarteng pagpaparinig ni Kiko.
Nangingiting napailing na lamang si Aya at inaya si Kiko sa lugawan. Nagpaalam muna si Kiko na pupunta sa shop niya para magpalit ng t-shirt. Ilang minuto lang ay nakarating na rin 'to kaagad habang hingal na hingal at halata mong nagmadali talagang pumunta kung saan naghihintay si Aya sa kanya. Natatawa naman si Aya sa itsura ng binata kaya hinila na niya ito at pumunta na sa lugawan.
"Ang dami mo namang bitbit. Akin na nga 'yan," sabay hablot ni Kiko sa plastik na hawak nito. Natawa naman si Aya dito.
"Marami? Dalawang plastik lang 'yan e," wika nito pero hindi siya pinansin ni Kiko.
BINABASA MO ANG
Langit, Lupa, Impyerno
HorrorPaalala: Marami pa pong itong mali lalo na sa grammar sapagkat hindi pa ito na-e-edit. *** Gusto mo bang maglaro? Kahit sino at kahit anong edad, pwedeng sumali rito. Anong laro? Hmmm... Langit, Lupa, Impyerno. Gusto mong sumali? Kaso may thrill 't...