CRAZY UGLY YOU
written by lorraineousSitay na prettyful's POV
"Kruk kruk kruk!" tawag ko sa mga manok dito sa bukid namin.
Aba, ayaw niyo talaga magsilapitan, ha.
"Kruk kruk inanyers!"
Tsk. Ang titigas talaga ng mga ulo ng mga ito. Kaya naman lumapit ako sa kanila isa-isa, pero lumalayo pa rin kaya naman nakipag-takbuhan ako sa mga ito.
"Hoy! Mga chicken joy na 'to!"
Nang mahuli ko na ay inilagay ko na ang mga ito sa kumukulong mantika este-- sa kani-kanilang mga kulungan.
Kasalukuyan kong inihahagis ang mga patuka ng biglang may tumawag sa pinaka pretty kong pangalan.
"SITAY TIKBALONG!!!"
Sigaw 'yan ng nanay ko.
Bago ako lumingon ay napa-tampal ako sa aking noo, iniisip kung ano na naman ang nagawa kong kababalaghan.
Lumingon ako sa aming bahay na kubo malapit dito sa maliit na bukiran.
"P-po, nay?" nag-aalala kong sagot.
"Tingnan mo itong afritada! Buo pa 'yung mga patatas! Hay naku!" bulyaw niya sa akin.
Hala, hindi ako 'yun, ah!
Napa-tingin naman ako sa maliit ng bintana ng aming kubo.
Naroon ang aking maliit na kapatid at humahalakhak ng walang boses.
Punyemas naman talaga, oh!
Binaba ko ang lalagyanan ng pagkain ng manok na nakalagay sa ubos na na lalagyanan ng Stick-O na pagmamay-ari ng anak ni Mang Ketong na si Kirita Mayor na malditang kapitbahay namin. Gets ninyo?
Padabog akong humakbang patungo sa aming bahay.
Sigurado akong siya na naman ang may kagagawan nito.
Hinila ko ang kahoy na pinto namin, pero sa kinamalas-malasan ay natanggal ito sa pagkaka-kabit.
Punyemas ulit! Lagot ako kay tatay Tikoy nito!
Bahala na nga si Antman!
Wala na naman akong magagawa. Malakas naman ako kay tatay, e. Hehe.
Pumasok na ako sa aming kubo at natanaw ko ang nanay kong nagdadabog sa kusina habang inaayos ang aming tanghalian.
"Naku talaga namang bata ka! Tingnan mu itung mga patatas, para ng mga bola ditu sa Afritada! Kasi naman hinde tinitingnan inuuna ang mga kung anu-anu!" dakdak ng aking nanay habang ako ay nakatunganga at nilalangaw na.
Ganito naman araw-araw. Wala rin namang mangyayari kung sasagot ako sa kaniya. Akala naman niya, kung anong etsetera ang ginagawa ko. E, nagpapakain lang naman ako ng chiken joys ni itay.
"Oh, anu? Anung tenatanga-tanga mo riyan?"
Mas pinili ko na lang na hindi sumagot at dumiretso sa kusina para tumulong.
Hinawi niya ang kamay ko dahilan ng pagbagsak ng basong hawak ko.
Aish.
"Ang tanga-tanga mo talaga! Doon ka na nga at gisingin mo ang kapatid mo!"
Wala na akong ginawa. Sanay na naman ako.
Pagka-tungo ko roon ay nakita ko na naka-upo sa aming upuan na kahoy ang aking kapatid.
Nanggi-gigil ako sa kaniya. Lagi na lang niya akong pinapahamak.
"Mabuti naman at gising ka na mahal kong kapatid," sarkastiko kong saad, "Pumunta ka na sa kusina at mag tanghalian."
Pinigilan ko ang sarili ko dahil baka mapakain ko sakanya nang buo ang mga manok sa labas. Kaya tigil-tigilan n'ya ako.
Nagtungo agad ako sa kuwarto ko. Kahit na ganito itong bahay namin ay may sarili akong kuwarto, 'no. Alam mo kung bakit? Kasi nga pretty ako. Hihihi.
Sumandal ako sa dulo ng kama ko na kahoy lang at walang sapin.
Ang sakit talaga sa likod kahit kailan nitong higaan kong ito. Teka asaan ba ang likod ko? Sa harap o sa likod? Ay bahala na nga.
"Sitay! Kumain ka na rito!"
"H-hindi na ho, nay. Kakakain ko lang."
*Kruu kruu*
Gusto ko lang munang mapag-isa.
Napadapo ang tingin ko sa aking aparador at doon naka-sukbit ang aming lumang litrato.
Kinuha ko ito at tinignan.
Ang saya namin. Ang saya-saya.
Si Sittie, aking nakababatang kapatid, kumakain ng pansit katabi ng aking itay na si Tikoy, kaharap naman ang aking ina na si Baby. Ang Lola Tessie ko na yumao na dahil sa sakit sa puso.
Kumirot na naman ang aking puso at nanunuyo na naman ang aking lalamunan. Ganito na lang lagi kapag nasisilayan ko itong aming litrato. 'Yung dati na masaya pa kami. 'Yung dati na buo pa kami.
Kinailangan pa ng itay na ibenta ang kalahati ng bukid na pagmamay-ari namin kanila Mang Ketong na kapit-bahay lang namin. Maganda naman ang pakikisama sa amin ni Mang Ketong, kaya siya rin ang pumayag nang nakipag-usap sa kanila si itay na kung pupwede ay mag-tanim doon si itay, ang kaso, may bayad nga lang. Pero ayos lang. Biglang utang na loob na naman namin iyon. Kailangan kasi ng pera ng pamilya namin.
Simula kasi ng mawala ang lola ay puro utang ang naiwan para sa pagpapa-gamot noon.
Laging sinasabi ng lola ko noon na, "Labarn now, lafang later!"
Pero ngayon na wala na siya, nagbago ang lahat. Hindi ko ba alam, simula talaga noon, ayaw na sa akin ng nanay ko.
Pretty naman ako. Ewan ko ba.
Itinabi ko ang aming litrato at pinunasan ang mga pretty kong luha.
Nag-tungo ako sa kusina. Naroon na pala si itay.
"Sitay, halika na at kumain." wika ni itay.
Si inay naman ay walang imik habang ang kapatid ko ay naka-ngisi.
Ang sarap talagang itapon nito sa Ilog Pasig, e. Lagi akong ginagalit. Pero wala akong magawa. 'Pag sinaktan ko ito ay papagalitan ako ni inay. Hindi na rin ako naga-abalang mag-sumbong kay tatay dahil baka mag-away pa sila ni inay. Favorite kasi ni inay 'yang si Sittie na sutil. Tss.
"Hindi na po, tay. Ipagpapatuloy ko na lang po ang ginagawa ko roon." naka-ngiti kong tugon.
"Sigurado ka ba? Hindi ka pa ba gutom?" itay.
"Opo." naka-ngiti ko pa rin na sagot. Si tatay na lang ata ang nag-mamahal sa akin, eh. "Busog po ako."
At lumabas na ako at nag-tungo sa bukid. Malapit lang naman, eh.
Ito kasing bahay namin ay naka-tayo sa bukid namin.
Tumingin ulit ako sa aming bahay. Napakagat-labi ako.
Nako, 'yung pintuan nga pala. Buti at 'di napansin ni itay.
BINABASA MO ANG
Crazy Ugly You
Humor"Maganda naman siya, hindi ninyo lang na-a-appreciate.." CRAZY UGLY YOU written by: lorraineous ♥