CRAZY UGLY YOU
written by lorraineousSitay's POV
Lumaki akong masiyahin at palabiro. Lahat nginingitian ko. Lahat binabati ko. Pati nga mga tambay at nag-i-inuman sa labasan, ka-vibes ko, e.
Pero may isa silang bagay na hindi nila alam tungkol sa akin. Hindi kasi ako lumaki na ka-close ang inay ko. 'Yung tipong kahit konting biruan ay wala. Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang sigawan, awayin at pag-sabihan ako. Kahit na wala naman akong ginagawang masama o mali.
Matagal kong hinangad and ginagawa niya sa kapatid ko -si Sittie. Ang pag-halik nito sa noo, ang pag-suklay ng mga manipis nitong buhok, ang pag-alalay nito sa kaniya sa lahat ng bagay. 'Yun ang gusto ko. Kahit konting atensyon. Okay na sana 'yung kahit hindi niya ako mapansin, e. Pero oo nga pala, napapansin niya pa rin ako. Ayun nga lang, kapag alam niyang may mali akong nagawa.
Ano ba 'yan! Napa-hagikgik ako nang kaunti habang umikot upang matingnan ang kabuoan ko sa salamin.
Nagawa ko pang i-chika sa inyo ang buhay ko sa inyo habang pinu-push ang hinaharap ko para magmukhang malaki naman.
Pero wala talaga mga besss! Kahit anong push dito, 'di mapilit! Daig pa ang nangungutang nang sinisingil na, kung magtago, e! Nakakaloka talaga ang ganitong mga pagkakataon.
Hinayaan ko na lang at pagandahan naman ang pupuntahan ko.
Napa-hinto ako. Pagandahan? May ganoon ba ako?
Ay! Patalinuhan din doon!
Agad din akong napa-ngiwi. May talino ba ako?
Napa-iling ako dahil sa mga naiisip at binuksan ang pintuan ng kwarto ko.
Nakita kong naka-hilata ang sampung taong kapatid ko at ang inay na nag-babasa ng diyaryo.
Pinasadahan nila ako ng tingin pero wala ring sinabi.
Napa-ngiti ako. Ano, sanay ka na naman 'di ba, Sitay?
"Sige ingat anak, ha! Galingan mo " pagpapalakas sa akin ni itay at tinapik ang balikat ko.
Huwag ka na ngang kabahan, Sitay. Keribumbum lang 'yan!
"Kaya 'to, 'tay! Basta't mamaya naroon ka sa pageant, ha?"
"Oo naman, nak!" tugon niya.
"Salamat po. Una na ho ako, tay," paalam ko.
Inayos niya muna ng konti ang damit ko at inalalayan akong lumabas.
Napangiti ako sa loob loob ko. Kahit hindi na malakas si itay, sinisikap niyang lahat para sa pamilya namin.
Nang makarating kami sa sakayan ng tricycle malapit sa amin, "Teka, nak." at inalalayan niya ang gown ko, "Baka magusot, ganda pa naman."
"Salamat, tay, sisikapin kong iuwi ang korona!" sabay hagikgik ko.
"Kahit hindi na, nak! I'm very much proud of you!" proud niya pang sabi sabay tapik ng bubong ng tricycle. "Sige pre, ikaw bahala r'yan sa anak ko, ha. 'Pag pumangit 'yan, you are dead from me!" pag-i-English niya pa.
Napakamot sa ulo ang tricy driver, "So, ngayon n'yo na po ako bubugbugin?" inosenteng tanong ni kuya.
"Ay, ang sama ng ugali, oh! Taralets na nga!" aya ko at nagsimula nang umandar ang tricycle na sinasakyan ko.
Kumaway pa ako kay itay sa likuran at nakita kong nagpunas pa siya ng luha niya. Marahil dahil ito sa kagandahan ng anak niya at dahil sa clutters sa gown ko.
Napasulyap ako sa salamin dito sa sasakyan at pinagmasdan ang sarili.
"Maganda ba ako?" tanong ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Crazy Ugly You
Humor"Maganda naman siya, hindi ninyo lang na-a-appreciate.." CRAZY UGLY YOU written by: lorraineous ♥