Exo_shidae04 Dedicated 'to sayo ha? Bait ko 'no? Ayy Sariling Puri xD Okey na. BTW Labyu <3 <3
[C H E L S E A]
Emegersh. First Day of School! KYAAH! Ansaya neto! New friends, taray.
Pumunta muna ako dun sa Bulletin Board ng School. Dun kasi naka-lista yung mga Sections e. Sana naman di ako Section D or E. Balita ko, immature daw ang mga estudyante dun e. Tska matino naman ako no, bilib ako sa sarili ko! Wahaha!
"Toledo... Toledo... Boom! Class 3- B! Taray!"sabi ko nung mahagilap ko yung Section ko. Section B! Muntik nang maging C ah? Ahohoho, Think Positive lang!
Habang papunta ako sa Room ko, nakita ko si Collin. My long lost Friend! 5 Years old palang kami, tropa ko na yan! Kaso nga lang di na kami masyadong naging close nung High School kasi hindi kami parehas ng School na pinasukan. Lalapitan ko sana kaso mukha namang busy. Tska male-late na rin ako no.
Pumasok na ako sa Room ko. Nakita ko na naka-upo lang ang lahat. Grabe naman, ang boring. Masyadong tahimik. Anong meron? Lahat sila nakatutok sa Cellpho-- ok. iPhone nila. Kahiya naman ilabas 'tong Samsung ko!
Umupo ako dun sa gitnang Row. Wala pa 'kong katabi. Aish. Gusto ko nang magdaldal e. Anubayan. Maka-tulog na nga muna.
"KYAAAHH!"
"AY P*TARAGIS."mura ko. Buti nalang mas malakas yung tilian nila kaya di nila narinig yung mura ko. Bigla naman akong napatakip sa bibig ko. Promise ko na hinding hindi na ko magmumura ngayong Year e! Aish. Siguro bukas ko nalang sisimulan xD.
Bigla silang nag-kumpulan sa may pintuan. Ayy ano meron?
Pero dahil chismosa-- CURIOUS ako. Sumilip ako ng onting onti sa kanila. Todo tingkayad pa ko e. Sorry pero aaminin ko, pinagkaitan din ako ng Height.
Nung maaninag ko na yung kinaguguluhan nila, na-disappoint ako bigla. Tss. Puch-- Pikachu... Lalaki lang pala. Akala ko naman Free Foods.
Yung isang lalaki, parang naka-drugs. Sorry naman, pero ang emotionless nung mata nya e. Pero shemay lang, kainggit yung Height nya. Hmp.
Yung isang lalaki naman, kinapos sa Height kaya sa tingin ko magkakasundo kami xD Pero grabe yung kutis nya, daig pa si Snow White e. Leche lang. Halatang nagu-gluta. Pero mukha na syang 30+ WAHAHA Sorry pero ganun talaga.
Yung isa naman, ang laki ng eyebags! Di uso tulog no? Tss. Bwiset. Ba't ganyan Height nya? Hmp.
Yung isa naman, mukhang pang-cartoon yung labi kasi may pacurve sa may dulo. Wala lang, ang cute nun. Pero mukha syang walang gagawing matino sa buhay, ganern. Height? K lang.
Pero aaminin ko. Gwapo sila... Pero promise di ko lalandiin yang mga yan, di ako interesado. Pwe! Ikain ko nalang yun.
Pero laking gulat ko nalang nung umupo yung mukhang naka-drugs sa Left Side ko tapos yung si Gramps naman sa Right Side ko. Ang talim tuloy ng tingin sakin nung ibang mga babae. Aba! Kasalanan ko ba kung sadyang napaka-cute ko at sakin sila tumabi?... Okey, sariling puri xD
...
Maya-maya, bigla nang pumasok yung Adviser namin. Tumayo naman ang lahat at nag-sabi ng "Good Morning Ma'am."tapos umupo ulit.