[G E E L Y N]
Nandito ako sa tapat ng school grounds. Hinihintay ko kasi si Kayla eh. Ililibre dapat kasi ako nun ngayon.
Ang dami talagang estudyante sa University na 'to. Simula nung pumasok ako dito, hindi na nabawasan ang mga estudyante. Mayayaman, matataray, mayayabang, presko, basagulero, nerds, name it. Lahat ng uri ng mga estudyante eh nandito talaga.
Ako? I think I belong to the 'basagulero' type. May Anger Management issues kasi ako. Pero hindi naman ako magagalit kung walang bobong lalapit sa akin diba?
Tska naiiba talaga ako sa lahat. Seriously, I can't appreciate jokes. I can't even laugh at them. I think they're all lame. It stinks when somebody tells a joke. Napapangiwi ako instead na mapangiti. Weird? I know. Pero buti nalang talaga at may isang babaeng nakaka-intindi sa akin.
Si Kayla. Oo, yung best friend ko. Hindi ko alam kung paano n'ya ako napagtyatyagaan pero I'm thankful.
Habang naghihintay, may narinig akong mga nagbubulungan sa gilid ko.
"Uy! Nakita mo ba kanina si Kai kanina? Hindi na makatayo no?"
"Oo nga eh. Nakakaawa nga eh."Si Kay? As in KAYla? Omaygad, bakit s'ya nalumpo? Ang bobo talaga nun. Patay ako kay tita neto.
Agad akong kumaripas ng takbo papunta sa clinic.
Nang mabuksan ko na yung pinto, nakita ko na walang nurse sa loob. Aba mga deputa, edi walang nag-aalaga kay Kay?
"KAY!! KAY!! PUTA KAY!! ANONG KATANGAHAN YAN? BA'T KA NALUMPO?!"mangiyak-ngiyak kong sigaw.
Nilibot ko yung paningin ko. Nakita ko yung isang kurtina na may anino ng mga tao.
Hindi na ako nag-isip at tumakbo agad ako palapit dun at hinawi ang kurtina.
"KAY!"wtf. Bakit isang dosenang lalaki ang nandito? Ano, nalumpo lang si Kay, pinaglamayan na? Pinaglamayan na ng mga pogi? Jowa ba n'ya lahat ng 'to?
Tinignan ko yung nasa kama. Puta ang itim. Mukhang uling. Ba't ganon? Nangingitim ba pag nalulumpo?
"Tawag mo 'ko?"sabi nung lalaki na nasa kama habang naka-ngisi. Ulul. Assuming si Kuya.
"Gago. Hinde. Asan na yung kaibigan ko?"tanong ko habang tumitingin sa paligid. "Yung kaibigan ko na si Kay!"sigaw ko kaya pinagtinginan ako nung mga lalaki.
"Oo nga, ako nga si Kai."sabi nung lalaki na naka-higa. "Close ba tayo? Ba't ka concerned masyado sakin?"sabi nung lalaki at ngumisi pa. Aba! Kapal ng mukha, mukha namang tinta ng pusit.
"Walangya ka. Ilabas mo si Kay!"sigaw ko at bigla kong sinugod yung naka-higa dun sa kama. Agad naman akong pinigilan nung mga lalaki na naka palibot sakan'ya. "KAY! NASAN KA?!"sigaw ko habang pumipiglas sa mga lalaki na pumipigil sa akin.
"Gagita. Andito 'ko."bigla akong napatigil at napatingin sa babae na nagsalita. Ganun din lahat ng mga lalaki sa paligid ko.
"Hala! Akala ko ba nalumpo ka?"tanong ko. Hinila ko yung braso ko mula sa pagkakahawak nung mga lalaki at kaya nabitawan nila ako. Agad akong pumunta kay Kay at hinawakan ang balikat n'ya.
"Ehem. Ako yung nalumpo."sabi nung lalaking maitim kaya napalingon ako sa direksyon n'ya. Nakangiti habang naka-taas ang kamay. Lintek.
"Grabe ka naman. Nadapa lang ako, malulumpo na agad? OA mo ha."sabi n'ya at agad akong hinila paalis sa lugar na 'yon. "Grabe. Alam kong eskandalosa ka pero hindi ko alam na aabot ka sa ganito."bulong n'ya sakin.